Augsut 3, 2019 Bilang pakikiisa sa ika-apatnapu’t isang taong pagdiriwang ng National Disability Prevention and Rehabilitation Week, idinao...
Bilang pakikiisa sa ika-apatnapu’t isang taong pagdiriwang ng National Disability Prevention and Rehabilitation Week, idinaos ang isang programa ng City Library na pinamagatang Hatid-Kwento para kina nene at totoy.
Isinagawa ang naturang aktibidad sa East VII Elementary School, Brgy. 10 sa lungsod ng Lucena.
Nagsilbing partisipante dito ang nasa tatlumpong mag-aaral mula sa nabanggit na paaralan na nasa ilalim ng Special Education program ng Department of Education.
Sa pagsasakatuparan ng programa, naghatid ng mga pambatang kwento sina Ria Salubayba at Allyssa Marie Ranas, pawang kawani ng City Library sa pamumuno ni City Librarian Miled Ibeas.
___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___
Kinakitaan naman ang bawat kabataan ng kasiyahan at pagkagalak sa pamamagitan ng kanilang pagpaparticipate sa story telling activity.
Matapos ito ay nagsalu-salo ang lahat sa isang munting meryenda. Ginawaran din ang ilan sa mga kawani ng panlungsod na aklatan ng sertipiko ng pagkilala para sa kanilang iniambag na programa para sa natatanging sektor.
Lubos din ang pasasalamat ng mga guro mula sa East VII Elementary School, sa pagkakataong sila ang napili ng City Library na maging benepisyaryo ng kanilang programa.
Ang gawaing ito ay nagpapakita ng pagsuporta ng panlungsod na aklatan sa adbokasiya ng lokal na pamahalaan na inclusive development and programs para sa natatanging sektor.
Gayundin ng pagpaparating nila ng kanilang serbisyo sa bawat mamamayan ng lungsod ng Lucena upang mas mamulat pa ang mga ito sa kahalagahan ng pag-aaral partikular na ang pagbabasa. (PIO-Lucena/ M.A.Minor)

No comments