Editoryal August 3, 2019 Mahalaga sa kasaysayan ang buwan ng Agosto. Ipinagdiriwang ang Linggo ng Wikang Filipino tuwing ika-13 ha...
Editoryal
August 3, 2019
Mahalaga sa kasaysayan ang buwan ng Agosto. Ipinagdiriwang ang Linggo ng Wikang Filipino tuwing ika-13 hanggang ika-19, ang pamosong statesman, dating pangulong Manuel Luis Quezon ay isinilang noong Agosto 19 at taon-taon ay inaalala ito at ipinagdiriwang. Ang ika-21 ng Agosto ay Ninoy Aquino Day at ang ika-25 naman ay National Heroes Day.
Noong mga nakalipas na panahon ay tutok ang buong bansa sa pagdiriwang o observance ng mga nabanggit na mahahalagang petsa sa ating kalendaryo.
Ngunit sa paglipas ng mga taon ay tila humupa ang kasiglahan kaugnay ng mga naturang kaganapan. .
Sa kasalukuyan ay tila kaunti na lamang ang nakaalala dito. Ang alam lamang ng karamihan ay, holiday walang pasok sa eskuwelahan at sa opisina.
Tanungin mo sila kung bakit pista opisyal, ang isasagot sa iyo ay tanong din, "Bakit nga ba?"
Nakakalungkot. At ang mas nakakalungkot, may mga taong nakatanim sa isip ang paniniwalang ang buwan ng Agosto, at ika-8 sa kalendaryo, ay isang pilipit na buwan na ang ibig sabihin ay taghirap, maganit ang pasok ng pera, matumal ang negosyo at kung anu-ano pang kamalasan.
Bagaman at buwan ng Agosto nang manalasa sa buong bansa ang pinakamalalakas na bagyo-Ondoy noong 2011, Gener at Helen noorly 2012, at noong 2017 ay Isang at Jolina, hindi dapat isipin na ang Agosto ay buwan ng kamalasan.
Walang tao, walang araw, at walang buwan na malas na nilikha ang Diyos. Ang mayroon ay mga taong tamad, sarado ang isip at baluktot ang katuwiran. At sila ang dahilan kung bakit patuloy na naghihirap ang mahihirap. Sila ang mga taong nagpapaalala sa kalamidad tulad ng baha; sila ang mga walang disiplinang nagtatapon ng basura kung saan-saan; walang pakundangan sa kalikasan at matitigas ang ulo.
BUKSAN NATIN ANG ATING MGA ISIP. Huwag kalimutan ang ating kasaysayan at gawin itong inspirasyon sa pakikibaka sa buhay.
"Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay madadapa, este hindi makakarating sa paroroonan."
Kaya hindi tayo makaahon at makausad eh, ang KAMALASAN at PILIPIT NA AGOSTO AY NASA ISIP LAMANG. BURAHIN NA IYAN. ERASE, PRONTO. HINDI TOTOO ANG MALAS,

No comments