by Nimfa Estrellado August 3, 2019 Nakikiisa ang Tuklas Tayabas at Sentinel Times sa Pamahalaang Panlungsod ng Tayabas sa pagdiriwang ...
August 3, 2019
Nakikiisa ang Tuklas Tayabas at Sentinel Times sa Pamahalaang Panlungsod ng Tayabas sa pagdiriwang nito sa Trece de Agosto, ang Araw ng Tayabas |
Ang pagdiriwang ng ika-121 taon ng Araw ng Tayabas sa lungsod na ito ay tinawag na "Trece de Agosto" Ang Huling Araw ng mga Espanyol sa Tayabas. Mahigit isang siglo nang nakararaan, isang mahalagang pangyayari ang natunghayan sa bayan ng Tayabas na noo'y kilala pa bilang isang lalawigan. Sa pamamagitan ng gilas at lakas, nakamit ng mga Tayabasin ang kanilang kasarinlan noong Agosto 13, 1898. Ang pangyayaring ito ay nakilala bilang "Trece de Agosto" na ipinagdiriwang taun-taon ng mga Tayabasin upang ipagbunyi ang kanilang kalayaang ipinaglaban. Taga-Quezon man o hindi, ito ay tagumpay ng lahat.
Ayon sa Tuklas Tayabas, ang pagdiriwang para sa taong ito ay naglalayong bigyang-diin ang pagnanais ng pamahalaang pang-lungsod na isulong ang progreso o kaunlaran sa pamamagitan ng mas malawak na pakikilahok at partisipasyon ng komunidad at mas matibay na pakikipag-ugnayan sa mga katuwang sa pagpapaunlad. Ito ay magsisimula sa Agosto 12 hanggang 13. Itinalaga ito bilang araw ng pag-alala sa kabayanihan ng mga Tayabasin. Ang kaganapang ito ay humihiling ng pagkakaisa at pakikipagkapuwa-tao at hinikikayat ang mga Tayabasin na muling ipangako ang tungkuling maglingkod.
___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___
Ayon pa sa Tuklas Tayabas sa ika-13 ng Agosoto 2019 sa ganap na 6:30 ng umaga gaganapin ang parada mula sa Barangay Basketball Court ng Mateuna dadaan ito sa kalye Trece hanggang makarating sa Simbahan ng San Miguel Arkanghel. Dito din isasagawa ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa Bell Tower bilang pasimula ng seremonya sa pagdiriwang ng Araw ng Tayabas. Ang bisitang tagapagsalita dito ay si General Gilbert Gapay AFP, Commander ng Southern Luzon Command. Ang organizer ay si John Y.D. Valdeavilla, sa supervision nina Ma'am Cecile Potestades, Ma'am Lovely Reynoso at Roselle Villaverde.
Ngayong taon, sinabi ni Mayor Ernida Reynoso sa kanyang State of the City Address noong July 14, 2019 sa Silungang Bayan kaalinsabay sa selebrasyon ng pagiging Lungsod ng Tayabas na"Sapagkat tanging nasa inyong mga kamay nakasalalay ang kinabukasan ng ating bayan, ang inyong ipinagkaloob at muling ipagkakaloob na pakikiisa at pakikipagtulungan ang magiging susi upang makamit ang higit na pagunlad at tagumpay para sa minamahal nating lungsod."
Ang lahat ay hinihikayat na makilahok dito upang mabigyang pansin ang diwa nito bilang tugon sa nasabing pagtatanyag.

No comments