Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

ILANG ALTERNATIBONG KABUHAYAN, IPINAGKAKALOOB NG LOKAL NA PAMAHALAAN SA MGA MAGSASAKANG LUCENAHIN

August 3, 2019 Upang sa panahon ng pagdating ng kalamidad ay magkaroon pa rin kahit papaano ng kabuhayang tutugon sa pangangailangan ng mga...

August 3, 2019

Upang sa panahon ng pagdating ng kalamidad ay magkaroon pa rin kahit papaano ng kabuhayang tutugon sa pangangailangan ng mga magsasakang Lucenahin at ng kani-kanilang mga pamilya. Ito ang higit na pinaiigting ng programa ng pamahalaang panlungsod na pagkakaloob sa mga magsasaka ng mga biik at kambing na siyang aalagaan ng mga ito.

Sa naging pahayag ni Konsehal Anacleto Alcala III matapos siyang kapanayamin ng TV12, ang naturang mga alagaing hayop ay magsisilbing isang alternatibong kabuhayan na makakatulong sa kanilang pang-araw araw na pamumuhay.

Bukod naman dito ay tuloy-tuloy pa rin ang pagkakaloob ng lokal na pamahalaan ng iba pang mga programa para sa naturang sektor katuwang ang City Agriculturist Office at sa tulong na rin ng Department of Agriculture.

Ayon pa sa konsehal, dahilan sa marami pa ring mga lugar sa lungsod ang walang maayos na patubig o di kaya’y hindi naaabot ng irigasyon kung kaya’t magkakaroon ng pag-iinstall ng mga motorized deepwells sa ilang taniman.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Gayundin ay nagsagawa na sila ng pagpapakilala at pamamahagi sa mga magsasakang apektado ng naranasang El Niño at ng nakalipas na bagyo, ng mga binhi tulad ng certified palay seeds na pawang mga typhoon resilience seeds.

Malaki rin ang naitutulong ng ilang programa ng pamahalaang panlungsod sa sektor ng magsasaka tulad ng tree planting, inter-cropping at fertilization project.

Ibinahagi rin ng konsehal ang ilan sa mga gawaing kaniyang pinasimulan na tulad ng pangangalap at paglilista ng mga pangalan ng coconut farmers sa lungsod na siyang ibinigay naman sa Philippine Coconut Authority upang makasama ang mga ito sa mga programa at proyekto na ibinababa ng PCA tulad ng kaanib program. Gayundin ang pagpapasa nito ng resolusyon sa Sangguniang Panlungsod hinggil sa coco levy fund.

Ilan lamang ito sa programang pang-agrikultura ng lokal na pamahalaan, inaasahan naman ang patuloy na pagpapatupad at pagsasagawa ng mga proyekto at aktibidades para sa sektor ng magsasaka. (PIO-Lucena/ M.A.Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.