Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Ilang mga Persons with disability sa lungsod binigyang regalo ni Mayor Dondon Alcala

August 17, 2019 LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Sa kagustuhan na walang naiiwang sector sa kaniyang administrasyon, tinitiyak ni Mayor Roderick...

August 17, 2019

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Sa kagustuhan na walang naiiwang sector sa kaniyang administrasyon, tinitiyak ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang mga ito ay nabibigyan ng kaukulang serbisyo.

At isa na nga dito ang sector ng mga persons with disability na kung saan ay kamakailan lamang ay pinagkalooban ang ilan sa mga ito ng regalo ng alkalde.

Ang mga mapapalad na PWDs na nabigyan ng naturang regalo ay ang mga nagsipagdiwng ng kanilang kaarawan noong buwan ng Abril, Mayo at Hunyo.

Ginanap ang nabanggit na pamamahagi ng birthday cash gift sa Reception and Action Center o RAC sa bahagi ng Zaballero Subd sa Brgy. Gulang-Gulang.

Nakasama ng punong lungsod sa nasabing aktibidad ang head ng City Social Welfare and Development Office na si Mam Malou Maralit.

Sa maiksing programa na isinagawa dito, nagbigay ng kaniyang mensahe si Mam Malou Maralit na kung saan ay kaniyang ipinahayon ang kaniyang pagbati sa mga dumalo dito.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Samantala, sa naging pananalita naman ni Mayor Alcala, kaniya ring binati ang mga ito sa kanilang naging kaarawan.

Isang magandang balita rin ang inihayag ng alkalde sa mga ito at ito ay ang pagtanggap nila ng taon-taong regalo sa tuwing sasapit ang kanilang kaarawan.

Gayundin aniya, kanilang napag-usapan na ni CSWDO head Maralit na ayusin ang pagbibigay ng katulad na benipisyo na ipinagkakaloob sa mga senior citizens ay maipagkaloob rin sa mga PWDs s lungsod.

Buong pagmamalaking inihayag rin ng punong lungsod na palagian niyang sinasabi at ipinagmamalaki na bukod tanging dito lamang sa lungsod ng Bagong Lucena sa lahat ng bayan at syudad sa buong lalawigan ng Quezon ay pinagkakalooban ng birthday cash gift ang mga PWDs.

Tiniyak rin ni Mayor Alcala na kaniyang ipagkakaloob sa mga nasabing sector ang mga programa at proyekto na tiyak na mapapakinabangan ng mga ito.

At matapos na makapagbigay ng kaniyang mensahe ay pormal nang ipinagkaloob sa mga dumalo dito ang kanilang birthday cash gift.

Lubos naman ang naging pasasalamat ng mga tumanggap ng naturang benipisyong ito mula kay Mayor Dondon Alcala at sinabing malaking tulong ang ibinigay sa kanilang ito ng alkalde.

Gayundin ang pagbibigay pasasalamat sa lahat ng tulong at suporta nito sa kanialng sector na anila ay kanilang tunay at sadyang nararamdaman sa pamamagitan ng mga programa at proyektong ipinagkakaloob nito para sa kanila na hindi nila naramdaman sa loob ng matagal na panahon.

Ang pagkakaloob ng regalong nabanggit ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa nasabing sector ay bilang pagpapakita niya ng pagpahahalaga at paggalang na rin sa kanilang hanay na malaki rin ang naitutulong para sa lungsod sa kabila ng kanilang nararamdaman. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.