Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Induction ng mga bagong hala na opisyales ng Federation of General Parent Teachers Association, dinaluhan ni Mayor Dondon Alcala

August 17, 2019 LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Bilang pagpapakita niya ng kaniyang buong pagsuporta, dumalo bilang panauhing pandangal sa isin...

August 17, 2019

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Bilang pagpapakita niya ng kaniyang buong pagsuporta, dumalo bilang panauhing pandangal sa isinagawang panunumpa ng mga bagong halal na opisyales ng Federation of General Parent Teacher Association si Mayor Roderick “Dondon” Alcala.

Kasabay rin nito ang panunumpa ng mga general parent teachers association ng bawat pampublikong paaralan sa Lucena.

Ginanap ang nasabing aktibidad sa St. Jude Cooperative Hote and Event Center sa bahagi ng Brgy. Isabang, Tayabas City.

Dumalo rin sa nabanggit na okasyon si Councilor Benito “Baste” Brizuela Jr. at SK Federation President Patrick Norman Nadera gayundin si City Schools Division Superintendent Dr. Aniano Ogayon.

Sa naging takbo ng palatunanan dito, nagbigay ng kani-kanilang mensahe ang nasabing opisyales na kung saan ay pinasalamatan nito ang lahat sa ginawang pagsuporta sa kanila.

Samantala, sa naging pananalita naman ni Mayor Dondon Alcala kaniyang ring pinasalamatan si Dr. Ogayon dahilan sag a naitulong nito para sa mga guro at mga mag-aaral sa lungsod.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Sinariwa rin ng punong lungsod ang naging samahan ng kaniyang itinuturing na isang mabuting kaibigan na kung saan aniya ay kanilang naiikot ang lahat ng mga public school teachers sa Lucena ng dalawa hanggang tatlong beses.

Buong pagmamalaki rin ng alkalde na sa ilalim ng naging paununungkulan ni Ogayon ay kaniyang naisaayos ang DepEd Lucena at ito ay dahilan na rin sa maayos at magandang pamamalakad nito sa naturang ahensya.

Bukod sa city schools division superintendent, binigyang pasasalamat rin ni mayor Alcala ang mga nakaraang pamunuan dahilan sa ginawang pagtulong ng mga ito sa lahat ng programa at proyekto ng pamahalaang panlungsod lalo na sa sektor ng edukasyon.

Gayundin, kaniya ring ipinarating naman sa bagong pamunuaan na nawa ay maging katulong rin ang mga ito sa mga gagawing programa at proyekto para sa mga mag-aaral na Lucenahin at maging sa guro sa pampublikong paaralan sa Lucena.

Bukod dito, lubos rin ang naging pasasalamat ng alkalde sa lahat ng mga magulang na nagsipagdalo dito sa ginawang pagtitiwala ng mga ito sa kaniya upang muling mahalal bilang ama ng Bagong Lucena.

At matapos ang pananalita ng punong lugsod, pormal nang isinunod dito ang panunumpa ng mga bagong opisyales ng pederasyon at ng mga general PTA sa lahat ng public schools sa lungsod.

Ang pagdalong ito ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa naturang okasyon ay upang ipakita sa lahat ng mga guro at magulang ng mga batang nag-aaral sa pampublikong paaralan ang kaniyang buong pagsuorta sa bagong pamunuaan ng GPTA at upang ipakita rin na nakahanda siyang tumulong sa lahat ng mga programa at proyektong ipatutupad ng mga ito par sa kanilang pamumuno. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.