Editorial August 24, 2019 Binitay noong Hulyo 3, 2013 ang Pinay drug mule na nadakip at nakasuhan sa Clina. Matatandaan na inarest...
Editorial
August 24, 2019
Binitay noong Hulyo 3, 2013 ang Pinay drug mule na nadakip at nakasuhan sa Clina. Matatandaan na inaresto at kinasuhan ng drug trafficking ang nasabing Pinay kasama ang pinsan nito nang mahulihan ng mahigit sa 12 kilong heroin sa kani-kanilang bagahe sa isang paliparan malapit sa Shanghai noong Enero 2011.
Nagtangka ang gobyerno na maisalba at matulungan ang Pinay, subalit wala nang nagawa. Patas ang hustisya sa China, walang sinisino basta napatunayang nagkasala.
Hindi lamang ito ang pagkakataong may binitay na OFW sa ibang bansa dahil sa droga, kundi ikalima na ito.
Nakakalungkot mang isipin, walang dapat sisihin kundi sila mismo. Ang tutuo, hindi dapat namamalimos ng awa ang gobyerno pana ibalato na lang ang buhay ng nga Pilipinong napaparusahan sa ibang bansa dahil lumabag sa batas.
DAPAT, IRESPETO ANG BATAS SAAN MANG PANIG NG MUNDO.
Sa China, bitay ang parusa sa mga drug courier. Iyan ang batas doon. At bukod dito, patas at hindi nabibili doon ang hustisya.
Hindi katulad dito sa Pilipinas, kahiya-hiya mang aminin, kung saan may batas para sa mayayaman, mayroon ding para sa mahihirap at iba ang tinitingnan kaysa tinititigan.
Sabi, kaya natutukso ang karamihang OFW na nagpuslit ng droga ay dahil umano sa labis na kahirapang hindi masolusyunan. Malaking halaga umano ang kapalit nito. MALI.
Ang kahirapan ay hindi pases para gumawa ng kasamaan o ng anumang bagay na labag sa batas.
Sana, matuto naman tayong sumunod at irespeto ang batas. Alam natin kung ano ang tama, panatilihin natin itong tama. Kung ano ang mali, dapat itong ituwid agad.
Labanan natin ang mali, ang tama ay ipaglaban. Sa tutuo lang alibi lang iyang kahirapan eh. Ang tutuo, iyang mga paglabag o pagbaluktot sa batas ang humihila sa atin pababa (numero uno ang korapsyon at katiwalian).
SANA LANG, HUWAG SUMUKO ANG MGA TUMATAHAK SA MATUWID NA LANDAS.
“When we are about to give up, stay a little longer. The last minute is a crucial one and things may just turn out in our favor, God willing.”
Limang buwan na lang, PASKO NA.
No comments