August 17, 2019 LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Pormal nang binuksan sa publiko ang matagal nang inaabangang Lucena Mini Park na nasa bahagi ng...
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Pormal nang binuksan sa publiko ang matagal nang inaabangang Lucena Mini Park na nasa bahagi ng Pacific Mall Compound sa Brgy. 3.
Pinangunahan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang pagbubukas nito kasama sina Councilor Amer Lacerna at Councilor Benito “Baste” Brizuela Jr., City Administrator Ancaleto “Jun” Alcala Jr. at City Tourism Officer Arween Flores.
Nagsimula ang naturang aktibidad sa pamamgitan ng isa ng misa na pinamunuan ni Father Ramil Esplana.
Dumalo dito ang ilang mga department heads, ilang mga kawani ng pamahalaang panlungsod, mga kapitan ng barangay gayundin ang ilang mga presidente ng TODA sa lungsod.
___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___
Matapos ang naturang misa ay nagbigay ng kaniyang mensahe si Mayor Dondon Alcala na kung saan ay pinasalamatan nito ang nasyunal na gobyerno particular na ang Department of Budget and Management o DBM dahilan sa pagbibigay ng pondo upang maisakatuparan ang mga pagawaing nabanggit.
Bukod dito, ito rin aniya ay pasimula ng Twin River Project na kung saan ay layon nito na pagandahin muli ang dalawang ilog sa lungsod na Iyam at Dumacaa River.
Dagdag pa ni Mayor Alcala, napili niyang itayo ang nasabing palaruan sa kinalalagyan nito upang magsilbi na rin itong multi-purpose at malapit rin aniya ito sa tanggapan ng Lucena Disaster Risk Reduction Management Office at maaring maging lugar para sa paghahanda sakaling magkaroon ng anumang sakuna.
At matapos na makapagbigay ng kaniyang mensahe isinunod na dito ang ribbon cutting bilang hudyat ng pormal na pagbubukas ng lugar sa publiko.
Ang pagsasagawa ng proyektong Lucena Mini Park ay upang mahikayat ang lahat ng mga Lucenahin na makapaglaro at makapagpahinga ang mga magtungo dahilan sa ganda nang nasabing lugar. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments