August 17, 2019 LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - “Mahigpit ko pong ipinagbabawal ang pagbibigay ng anumang uri ng regalo sa mga empleyadpo ng ...
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - “Mahigpit ko pong ipinagbabawal ang pagbibigay ng anumang uri ng regalo sa mga empleyadpo ng pamahalaang panlungsod”.
Ito ang naging tagubilin ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa lahat ng mga business owners na nagnanais na maglagak ng kanilang negosyo sa lungsod ng Bagong Lucena.
Inihayag ni Mayor Alcala ang tagubiling nabanggit sa ginanap na paglagda ng mga business permit ng tinatayang aabot sa mahigit na 40 mga bagong negosyante sa Lucena.
Ginanap ang aktibidad na ito sa conference room ng Mayor’s Office na kung saan ay dumalo rin dito sina Business Permit and Licensing Office Julie Fernandez at Public Employment and Services Office Head Christine Encina.
Ayon pa sa alkalde, isa rin sa mga dahilan kung bakit ginugusto niyang makaharap ang mga bagong magmamay-ari ng negosyo sa lungsod ay upang ipaalam sa kanila ang mga ganitong tagubilin.
Gayundin, isa rin sa ibinilin ng punong lungsod sa mga ito ay kung sakaling mayroong empleyado ng pamahalaang panlungsod na hindi naging maayos ang pagtrato sa kanila habang kumukuha ng business permit ay maari nila itong ipagbigay alam sa kaniya upang sa ganun ay mabigyan ng kaukulang aksyon ito.
Bukod dito, ipinabatid rin ni Mayor Alcala sa lahat ang tungkol sa isang ordinansa na ipinasa sa Sangguniang Panlungsod hinggil sa pagkakaroon ng halos 80% ng mga manggagawang Lucenahin sa lahat ng business establishment sa syudad.
Paliwanag pa rin ng puong lungsod, ito ay hindi lamang basta aniya residente ng Lucena bagkus ay nararapat na ito ay rehistradong botante ng lungsod.
Ito aniya ay upang bigyang ng pagkakataon ang mga Lucenahin na makapagtrabaho mismo sa lungsod at hindi na kinakailangan pang dumayo sa ibang bayan upang magkaroon lamang ng trabaho.
Dagdag pa rin ng alkalde, binigyang atas na niya ang hepe ng BPLO at PESO na magtungo sa mga business establishments sa Lucena at alamin kung naipatutupad ito ng maayos.
Sakali aniyang mapatunayang lumabag ang isang business establishment sa ordinansang nabanggit ay maari itong maging dahilan upang makansela ang kanilang business permit.
Sa huli ay lubos ring binigyang pasasalamat ni Mayor Dondon Alcala ang lahat ng mga bagong business owners sa Lucena dahilan sa pagtitiwalang ipinagkaloob ng mga ito upang maglagak ng kanilang negosyo sa lungsod.
Ang mga tagubiling binanggit ni Mayor Dondon Alcala ay isa sa kaniyang mga matagal nang sinasabi sa lahat ng mga nagnanais na maglagak ng negosyo sa Lucena at ito ay sa pagnanais niya na maalis ang korupsyon sa pamahalaang panlungos upang mas lalo pang dumagsa ang mga negosyante dito at mas lalo pang umunlad ang Bagong Lucena. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments