by Kier Gideon Paolo M. Gapayao August 31, 2019 Libreng bakuna kontra cervical cancer at tigdas ang hatid ng Antipolo City Gov’t katuwan...
August 31, 2019
LUNGSOD NG ANTIPOLO, Riza - Nagtulong-tulong kamakailan ang Pamahalaang Panglungsod ng Antipolo, Department of Health (DOH), Department of Education (DepEd), at Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pagbabakuna sa mga pampublikong paaralan ng lungsod sa launching ng “School-Based Immunization (SBI) Program” na ginanap sa Bagong Nayon IV Elementary School.
Tinarget ng programa ang 400 na estudyante mula sa kindergarten at elementarya.
Naging bahagi rin ng launching ang lecture tungkol sa Measles Rubella – Tetanus Diphtheria (MR-Td) at Human Papillomavirus (HPV) gayundin ang ceremonial vaccination sa mga mag-aaral.
Bukod rito, iikot sa 69 pampublikong paaralan sa lungsod ang SBI Program sa pangunguna ng pamahalaang panglungsod at ng mga kaakibat na ahensya.
___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___
Makakakuha ang mga bata ng libreng bakuna katulad ng MR-Td vaccine gayundin ang HPV vaccine na ginagamit na bakuna kontra cervical cancer.
Ayon sa DOH, subok ng panahon at maaasahan ang naturang mga bakunang ibibigay sa mga bata kung kaya walang dapat ikatakot ang publiko, lalo na ang mga magulang, sa kaligtasan ng kanilang mga anak.
“Higit pa sa pagiging isang mayor, ako po ay isang ina. Ramdam ko ang hirap at takot tuwing may magkakasakit sa aking mga anak kung kaya naman ay hangarin ko na walang batang magkakasakit sa ating lungsod.
Katuwang ang national government, alam kong walang imposible kung tulong-tulong tayo sa pagsusulong ng mga programang tutugon sa pangangailangan ng mga kabataan. Sama-sama nating tuldukan ang peligrong dulot ng tigdas, cervical cancer, at iba pang vaccine preventable diseases o mga sakit na maiiwasan kapag nagpabakuna,” ayon kay Antipolo Mayor Andeng Ynares. (PIA Rizal, may ulat mula kay P. Cabasbas, Antipolo PIO)
Libreng bakuna kontra cervical cancer at tigdas ang hatid ng Antipolo City Gov’t katuwang ang Department of Health (DOH), Department of Education (DepEd), at Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ginanap na “School-Based Immunization (SBI) Program Launching” kamakailan sa Bagong Nayon IV Elementary School. Iikot sa 69 pampublikong paaralan ang SBI Program kung saan target ng programa ang mga kindergarten students hanggang grade 7. (Antipolo PIO) |

No comments