August 3, 2019 Sa pagnanais na mas maging mahigpit ang kampanya para sa kaayusan at katahimikan sa Barangay Silangang Mayao, pinagkalooban...
Sa pagnanais na mas maging mahigpit ang kampanya para sa kaayusan at katahimikan sa Barangay Silangang Mayao, pinagkalooban ang mga barangay tanod dito ng karagdagang mga kagamitan.
Pinangunahan ni Chairwoman Nieves Maaño kasama ang lahat ng miyembro ng Sangguniang barangay ng naturang lugar ang pamamahaging nabanggit.
Kabilang sa mga ipinagkaloob ng mga ito ay ang mga flash lights, pito, kahoy na yantok, vest, at sumbrelo.
Ayon kay kapitana Nieves Maaño, ang hakbanging ito ay para na rin mayroong magamit ang kanilang mga barangay tanod sa pagpapatrolya tuwing gabi.
Aniya, mayroon silang 20 mga barangay tanod na nagpapatrolya sa bawat purok sa kanilang lugar at medyo anhihirapan ang mga ito na tunguhin ang mga madidilim na parte ng kanilang barangay.
Sa pamamagitan rin aniya ng mga ito, mas madaling makapagreresponde ang kanilang tanod sa oras na kailanganin ang ma ito kahit na nasa madidilim na lugar.
Kung matatandaan, una nang nakapagbigay si Kapitana Maaño at ang Sangguniang barangay sa kanilang tanod ng mga katulad ring kagamitan.
Umaasa naman ang ina ng naturang barangay na sa pamamagitan nito ay mas lalo pang magiging maigting ang pagpapatrolya sa mga purok sa kanilang lugar.
Ang pagkakaloob ng kagamitang nabanggit para sa mga barangay sa Silangang mayao ay sa pagnanais na rin ni Kapitana Nieves Maaño at ng lahat ng miyembro ng Sangguniang Barangay na mas lalo pang maging maayos at tahimik ang kanilang lugar. (PIO Lucena/ R. Lim)
No comments