August 17, 2019 Quezon Governor Danilo E. Suarez, isinagawa ang ribbon cutting kasama sina Vice Governor Samuel B. Nantes, 2nd Distric...
Sa pangunguna ni Quezon Governor Danilo E. Suarez, isinagawa ang ribbon cutting kasama sina Vice Governor Samuel B. Nantes, 2nd District Representative David C. Suarez,Board Member Elizabeth Sio, Jerry Talaga, Alona Obispo at SteelAsia Chairman at CEO Benjamin Yao.
Nagbukas ang pagdiriwang sa live coverage ng Umagang Kay Ganda kung saan ibinida ang makukulay na booth ng 39 na bayan at 2 lungsod. Tampok rin dito ang mga “Pinaka” na produkto ng bawat bayan at 31 kandidata ng Binibining Niyogyugan suot ang kanilang mga festival costume na gawa sa coconut materials.
Isa sa mga inaabangang atraksyon ngayong taon sa Niyogyugan Festival ay ang Tagayan sa Niyogyugan booth na naglalayong iangat ang tradisyon ng lalawigan sa pamamagitan ng pag-inom ng lambanog na isang lokal na inumin sa Quezon.
Sa unang araw pa lamang ay umabot na sa 58,073 ang bilang ng mga turistang bumisita sa pagdiriwang, mas malaki sa naitala noong nakaraang taon na nasa 41,752.
No comments