August 3, 2019 “Dedikasyon, katapangan at pagmamahal sa bayan”, ito ang ipinamalas ng isa sa itinuturing na mahalagang bayani ng Pilipinas...
“Dedikasyon, katapangan at pagmamahal sa bayan”, ito ang ipinamalas ng isa sa itinuturing na mahalagang bayani ng Pilipinas sa ipinakita nitong kadakilaan sa kabila ng kaniyang kapansanan.
Bagamat, walang kakayanang makapaglakad, hindi naman ito naging hadlang kay Apolinario Mabini upang magsilbi sa bayan at makatulong ng iba pang mga bayani sa pagkakamit ng kasarinlan ng bansa.
Si Mabini ay isang teoretista na nagsulat ng konstitusyon ng Unang Republika ng Pilipinas noong 1899 hanggang 1901, at naglingkod bilang ang kauna-unahang punong ministro noong 1899.
Kaugnay nito, kasabay ng pakikiisa ng lungsod sa ikaapatnapu’t isang taong pagdiriwang ng National Disability Prevention and Rehabilitation Week, isa sa inihanay na programa ng Lucena City Council for Disabiliy Affairs ay ang pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Mabini sa Heroes Lane, Brgy. Ilayang Iyam.
Sa pag-uumpisa ng programa, nagbigay ng mensahe si Executive Assistant IV Jo Colar bilang kinatawan ni Mayor Dondon Alcala gayundin ang hepe ng CSWDO na si Malou Maralit at officer in charge ng PDAO na si Cristy Fernandez.
Dumalo rin sa nasabing aktibidad ang mga miyembro ng LCCDA, Natatanging Sektor ng lungsod ng Lucena Incorporated, ilan sa sektor ng nakatatanda at mga persons with disabilities sa lungsod. Nakiisa din dito ang pamunuang barangay ng Ilayang Iyam sa pamumuno ni Kapitan Bartolome Comia.
Ang pagsasagawa ng floral offering ay bilang paggunita rin sa ika-isang daan limampu’t limang taong kapanganakan ni Mabini na itinuturing na dakilang lumpo o dakilang paralitiko at utak ng himagsikan na tumulong sa pagsasakatuparan ng rebolusyong Pilipino. (PIO-Lucena/ M.A.Minor)
No comments