Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pagkasunog ng Amazon Rainforest: Isang Pandaigdigang Trahedya

by Jay Lim Kasama ng Kalikasan August 24, 2019 Amazon Rainforest (reuters.com) ...

by Jay Lim
Kasama ng Kalikasan
August 24, 2019


Pagkasunog ng Amazon Rainforest:  Isang Pandaigdigang Trahedya
Amazon Rainforest (reuters.com)




Tatlong lingo na at patuloy pa ring nasusunog ang malaking bahagi ng Amazon Rainforest o ang Maulang Kagubatan ng Amazon, na matatagpuan sa Timog Amerika. Ang maulang kagubatan ng Amazon ang pinakamalawak na kagubatan sa mundo tintayang 2,100,000 milya kwadrado o 543,897,50316 ektarya na sumasakop sa siyam (9) na bansa. Ang malaking bahagi nito na 60% ay nasasakop ng bansang Brazil, 13% sa Peru, 10% sa Columbia, ang nalalabing maliliit na bahaging nito ay sasasakupan naman ng Venezuela, Equador, Bolivia, Guyana, Suriname at French Guina.

Ang Amazon ay kumakatawan s a mahigit na kalahati ng nalalabing mauling kagubatan sa buong mundo, hindi hamak na hitik at mayaman ito sa mga nabubuhay na hayop at halaman o flora and fauna o samu’t-saring buhay. Batay sa pagtataya ng mga dalubhasa 390 bilyong puno ang matatagpuan dito na nahahati sa16,000 mga kaurian o species. Malinaw na peligro para sa mga samu’t-saring buhay na umaasa at naninirahan sa Amazon ang patuloy na pagkasunog nito.



Lubos na nakakabahala ang pagakasunog ng Amazon sa ngayon kumpara sa mga nagdaang mga taon na nasunog din ito. Noong ika-20 ng Agosto ang buong lugar ng Sao Paulo isang bayan sa bansang Brazil na may kabuuang lawak na humigit kumulang 150,000 ektarya ay natakluban ng makapal na usok mula sa pagkasunong Amazon ayon sa mga larawam, mapa at video mula sa NASA Satellite.

Kamakailan lamang nitong nakaraang buwan ay dineklarang nasa state of emergency ang bansang Brazil dahil sa pagtaas ng bilang ng mga sunog sa kagubatan sa nasabing lugar. Ngayong taon pa lamang na ito ay humigit kumulang na sa 73,000 na sunog ang nakita ng Brazil’s space research center o INPE. At ayon naman sa Reuters ay 83% ang itinaas nito kumpara noong 2018. Ito ang pinakamatas na tala simula pa noong 2013.



Ngunit isang malaking tanong ngayon… Ano nga ba ang posibilidad na kadahilan at bakit nasunog ang Amazon?

Ayon sa NASA bagamat ang Amazon ay muling kagubatan at likas laging may tubig ang buwan ng Hulyo at Agosto ay simula na ng panahon ng tag-init at ang nasabing lugar ay sadyang tagtuyot tuwing buwan ng Hulyo at Agosto, aabot pa ang sukdulan ng tag-init sa nasabing lugar sa buwan ng Setyembre at magtatapos sa kalagitnaan ng buwan ng Nobyembre.

Ayon naman sa pahayag ni Christian Poirier, program director ng Nonprofit Amazon Watch, sa CNN. Kalimitan sa panahong ito ang pagkakataon upang maghawan o maglinis ng mga bukirin at mga pastulan ng baka ang mga tao sa lugar. Kaya sa ganitong sitwasyon ay maaring ipagpalagay na ang dahilan ng sunog ay mula sa mga kasalukuyang gawain nila doon.



Maari rin nating itanong…Alin nga bang mga lugar sa Amazon ang apektado ng kasalukuyang sunog?

Batay sa pahayag noog martes ni Eric Holthaus isang meteorologist sa kanyang Tweeter Account, halos kalahati ng bansang Brazil ay nakukublihan ng usok mula sa sunog. At ayon sa post ni Holthaus “We are in a climate emergency.”

Mula naman sa nilabas na balita ng Euronews. Makikita sa mga imahe ng Satellite ang mga sunog sa mga estado Amazonas, Rondonia, Para at Mato Grosso. Ang estado ng Amazonas ang pinaka apektado ng nasabing sunog.

Maaring malayo tayo sa Amazon dahil nasa Timog America ito at malamang pwede nating isiping hindi tayo apektado ng trahedya ng nasabing pagkasunog. Subalit nakakalungkot isiping damay tayo sa trahedyang ito na posibilidad na gawa na tao. Sapagkat hindi lang mararamdaman sa Brazil at kalapit pang mga bansa nito ang epekto ng nasabing trahedya…dahit para po sa kabatiran ng lahat ang mismong gubat ng Amazon ay siyang nagbibigay ng 20 porsyento ng sariwang hangin o oxygen sa buong mundo at sa 10% ng mga samut-saring-buhay o biodiversity upang mabuhay.

Ang amazon ay tinaguriang “lungs of the planet” at may malaking papel ito upang mabalanse at maregulate ng maayos ang ating pandaigdigang klima. Kung mawawala ang mga kagubatang tulad ng Amazon nakakapangambang dumanas ang buong mundo ng pagbabago sa panahon na magreresulta ng tagtuyot at malalakas na bagyong magpapahirap sa atin upang makapagsaka para sa kasiguruan ng ating pagkain para sa ating pamilya at may posiblidad na maging talamak ang kawalan ng atin inuming tubig sa mga darating na panahon na magdudulot sa atin ng posibilidad na kahirapan.

Ang malinaw nasaan ka man pong bahagi ng mundo sa ayaw mo man at sa gusto damay tayo sa trahedya ng pagkasunog ng Amazon rainforest.

Meron nga po kasabihang…ang sakit ng kalingkingan ay ramdam ng buong katawan.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.