Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pamahalaang Lokal ng Bay pinangunahan ang tree planting at clean-up drive

by Joy Gabrido August 10, 2019 Nakiisa ang mga kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa pagtatanim ng puno bilang bahagi ng selebrasy...

by Joy Gabrido
August 10, 2019

Nakiisa ang mga kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa pagtatanim ng puno bilang bahagi ng selebrasyon ng Arbor Day. (Bay BFP)


BAY, Laguna – Pinangunahan ng lokal na Pamahalaan ng Bay ang isang tree planting at clean-up drive activity na ginanap sa Nicolas L. Galvez Memorial National High School (NLGMNHS) kamakailan.

Ang aktibidad ay alinsunod sa Republic Act 10176, kilala bilang Arbor Day Act of 2012, na ginawan din ng mga probinsyal at lokal na ordinansya ng Sangguniang Panlalawigan at ng Munisipalidad na ito.

Inorganisa ang aktibidad na ito sa pangunguna ng Bay Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) at ng Association of Municipal and Barangay Environmental Council (AMBEC) kung saan nagsama-sama ang mga opisyal at empleyado ng Sangguniang Bayan, barangay, kabataan, kapulisan ng Bay Municipal Police Station (MPS), kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP), maging ang mga mag-aaral at guro ng NLGMNHS, at marami pang iba.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Matapos ang isang pormal na programa, ang mga dumalo ay nagtanim ng Neem at Eucalyptus tree na kapwa mapapakinabangan ng paaralan bilang pangtaboy sa lamok na nagdadala ng Dengue Virus at nagdudulot ng nakamamatay na sakit na Dengue na mataas ang kaso tuwing tag-ulan.

Isinabay rin sa pagdiriwang ang lingguhang paglilinis na batay naman sa Memorandum Circular No. 2019-09 ng Department of the Interior and Local Government (DILG) o “Observance of the Weekly Conduct of Clean-Up Drive relative to the Manila Bay Clean-Up, Rehabilitation, and Preservation Program.”

Dito ay nagtulong-tulong naman ang mga nagpartisipa sa programa sa paglilinis at pagsasaayos nang kapaligiran ng NLGMNHS.

Ayon kay Designated Municipal Environment and Natural Resources Officer Angelynne Lopez, batay sa batas ang kahulugan ng Arbor ay “tree” o puno, kaya naman itong okasyong ito ay isang mahalagang araw para pataasin ang kamalayan ng mga estudyante at gayun na rin ng mga tagapamahala patungkol sa kahalagahan ng puno.

Dagdag pa niya, isa sa mga programang pangkalikasan ng pamahalaang lokal ang ma-mitigate o mabawasan ang masamang epekto ng Climate Change o pagbabagu-bago ng klima sa mga komunidad sa bayan ng Bay.

Pakiusap naman nito sa mga Bayenos na sana ay magkaroon ng disiplina sa pagtatapon ng mga basura. “Itapon po ang mga basura sa tamang basurahan para mapanatili ang kalinisan sa bayan ng Bay. Bawal na po ang magkalat sa bayan ng Bay!”

Kaugnay nito ipinahayag ng Lokal na Pamahalaan ng Bay sa opisyal nitong Facebook Page na ang Arbor Day ay isang pagdiriwang upang bigyan ng diin ang responsibilidad ng bawat mamamayan sa kalikasan. At sa kabila nang umuusad na modernong panahon, ipinapaalala ng pamahalaan na hindi dapat kalimutan at pabayaan ang pangangalaga sa kapaligiran.

“Kaya naman ang hamon sa ating mga Bayeños na kasabay ng pag-usad ng modernisasyon ay ang pagkalinga sa ating kalikasan.” (Joy Gabrido/PIA4A)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.