by Ace Fernandez, Lyndon Gonzales @ laliga pilipinas August 10, 2019 Ang guro at mga estudyanteng magkatuwang sa pag-aaral ng bagong leks...
by Ace Fernandez, Lyndon Gonzales @ laliga pilipinas August 10, 2019 |
Ang guro at mga estudyanteng magkatuwang sa pag-aaral ng bagong leksyon sa silid aralan. |
CANDELARIA, Quezon - Taimtim at pribado ang ginawang paggunita ng ikatlong taong anibersaryo ng kamatayan ng iginagalang at minamahal na Philanthropist sa lalawigan. Pinangunahan ni G. Nelson Licup isa sa mga anak ng namayapang si Roberto C. Licup ang pag-ala-ala sa yumao nilang ama kung saan ay siya ang naatasang ipagpatuloy ang nasimulang kawang gawa ng kanilang ama.
Magugunita na noong nabubuhay pa ang sinasabing alamat ng kawang-gawa hindi lamang sa lalawigan kundi sa buong rehiyon ng CALABARZON at sa bansa ay isinulong niya ang pagbibigay ng silid aralan sa mga paaralang pupukaw sa kaisipan ng mga kabataan upang pahalagahan at tuklasin ang karunungang taglay ng edukasyon.
Ayon kay G. Nelson Licup, umabot na sa humigit apat na daang school buildings ang nai-donate ng kanyang ama sa rehiyon at ito anya ay patuloy na madadagdagan pa sa mga darating na panahon.
Aniya, ang itinayong rebulto sa SLSU-Tiaong ng kanyang ama ay sumisimbolo at bantayog ng nga pa mga pangarap para sa mga kabataang Pilipino.
Sa kasalukuyan ay itinatayo ang isang pribadong museum sa compound ng pamilya Licup na dito ay ilalagay ang mga magagandang ala-ala at larawan, karangalan at pagkilala sa mga aral at kwento ng buhay at legacy ng isa sa mga natatanging anak dangal ng lalawigan. With reports: Ace Fernandez, Lyndon Gonzales @ laliga pilipinas
No comments