Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

PLEBISITO PARA SA CITY HOOD NG STO. TOMAS, SA SEPT. 7 NA

by Lolitz Estrellado August 24, 2019 STO. TOMAS, Batangas – Nakatakdang isagawa sa darating na Setyembre 7, 2019 ang plebisito para s...

by Lolitz Estrellado
August 24, 2019





STO. TOMAS, Batangas – Nakatakdang isagawa sa darating na Setyembre 7, 2019 ang plebisito para sa city hood ng bayang ito kung saan boboto ang uga mamamayan kung payag silang maging lunsod na ang Sto. Tomas.

Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), ang plebisito ay isasagawa sa loob ng 120 araw makalipas ang national at local elections, at ito nga ay naitalaga na sa ika-7 ng Setyembre, 2019.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Matatandaan na sa isang ekslusibong panayam noong nakalipas na taon, sinabi in Vice Mayor Armenius Silva na ang lahat ng rekositos o mga kailangan para ang isang bayan ay gawing lunsod o component city tulad ng bilang ng populasyon, income at land area, ay pawang natupad o naabot na ng Sto. Tomas.

Ang House Bill 5160 ay inihain sa Mababang Kapulungan, at inaprobahan; gayundin ang R.A.11086 na ipinasa sa Senado at nilagdaan ng Pangulo.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Inaasahan na sa darating na plebisito ay buong pagkakaisang "YES TO CITY OF STO.TOMAS" o mananaig ang botong "OO payag akong gawing gauring lunsod ang Sto. Tomas.

Sa kabilang dako, ipinaliwanag naman ni dating Sto. Tomas municipal administrator, isa sa mga pangunahing kumikilos at nagtataguyod para sa city hood ng Sto. Tomar na si Atty. ARTH MARASIGAN, na walang dapat isiping tataas ang buwis kung isa nang ganap sa lunsod ang nasabing bayan.

"Sa usaping buwis, wala pong magiging pagtaas nito sa loob ng limang (5) taon na itinatadhana ng batas. Pagkatapos ng panahong ito, kung kinakailangan, ito ay dadaan sa proseso at public hearing, sa publication at aaprubahan ng Sangguniang Panglunsod bago pa makapagtaas ng buwis ang pamahalaang lokal. Ayon pa rin sa batas, hindi maaaring magtaas ng buwis ang pamahalaang lokal ng higit sampong porsiyento (10%) ng mga halagang nakasaad dito," paliwanag ng batikang abogado na nangunguna rin sa information campaign para sa darating na plebisito.

Sinabi in ni Atty. Marasigan na ang eksaktong petsa ng pagiging lunsod ng Sto. Tomas ay Setyembre 7, 2019 na mismong araw ng plebisito kung maipapasa ang botong "YES.

Idinagdag pa nito, "Ano po ang magagawa natin bilang isang Tomacino? Lumabas po tayo sa araw ng plebisito at ihayag ang saloobing Yes to the city of Sto. Tomas."

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.