Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Tayabas dapat nga bang iaasa ang tubig sa Prime Water?

by Jay Silva Lim Opinion: Kasama ng Kalikasan August 10, 2019 Ang lungsod ng Tayabas ay may tatlong malalaking ilog, ito ay ang Alitao, ...

by Jay Silva Lim
Opinion: Kasama ng Kalikasan
August 10, 2019



Ang lungsod ng Tayabas ay may tatlong malalaking ilog, ito ay ang Alitao, Ibiya, at Dumacaa. Matatandaang noong unang panahon ay sadyang sagana sa tubig ang lungsod na ito, kung saan kahit sa mismong bang-bang ay pwede kang maligo at maglaba.

Dito rin sa Tayabas matatagpuan ang mga kilalang resort na may masarap at malamig ng tubig na dumadaloy mula sa bukal galing sa bundok Banahaw na tinaguriang Vulcan de Agua o bulkan ng tubig. Malimit ang ulan sa lungsod at batay sa mga eksperto, humigit kumulang sa 200 araw sa loob ng 365 na araw sa isang taon, dito ay umuulan.

Hindi po lingid sa ating lahat na sa Tayabas matatagpuan mga bukal na pinagkukunan ng tubig ng Prime Water na dating QMWD o Quezon Metropolitan Water District. Ganoon din ang balon o deepwell ay sa nasasakupan din ng Tayabas nakalagay, ito ay sa barangay ng Mayuwi.

Subalit sa kasalukuyan ang marami sa barangay at lugar sa Tayabas ay salat o nagdarahop sa tubig. Isang nakakapagtakang sitwasyon na sa ngayon ay dinaranas ng mga Tayabasin.

Sa katunayan trending ngayon sa social media lalo na sa Facebook ang mga post ng Tayabasin na dumadaing sa kawalan ng tubig. Ayon nga sa post ni Melvin Rada noong ika-6 ng Agosto ganap na ika-6:05 ng hapon. “Dumating ka na. Maghapon na kaming naghihintay. Excited na lahat kami sa iyo. TUBIG!!! Day 2 na …Aug 7…wala ka pa rin. Miss na kita!”

Isa pa ring post sa FB ang nakatawag ng aking pansin mula naman kay Annadel o Gob at ayon sa post nya noong Agosto 7 ganap na ika – 6:18 ng umaga. “Pag gising mo, wala palang tubig. Walang pasabi ganern! Bawal maligo! #maligo ng mineral water o sa ulan, Choz!”

Nakakalungkot isiping nangyayari ito sa lungsod ng Tayabas na masasabing mayaman sa tubig na mismong pinagmumulan ng tubig na ibang bayan at lungsod na katabi nito, tulad ng Lucena at Pagbilao.

Kung ating susumahin sa tubig pa lang mula sa ulan na tinatayang humigit kumulang sa 200 araw kada taon ay masasabing malaking bagay na para sa kapakinabangan ng mamamayan, kung ito’y mapapamahalaan ng tama sa pamamagitan ng sistimatikong rain catchment facilities na may angkop na teknolohiya na maaring, hindi naman kamahalan at kung tutuusin ay dati ng teknolohiyang meron ang Tayabas dahil sa panahon ng mga kastila ang mga ginawang bang-bang na dumadaloy sa harapan ng mga bahay sa buong lungsod ay isang bahagi ng pamamaraan upang makarating sa bawat mamamayan ang serbisyo ng tubig mula sa ulan at ilog…dangan nga lamang ay nasalaula ito at hindi napagtuunan ng pansin…o napag-aralan bago pa nasira. Sayang!

Ang tubig ay sadyang dapat na proyeridad na iniisip ng bawat lokal na pamahalaan lalo na sa panahon ngayon. Dahil ito naman ay para sa kapakanan ng lahat.

Ang mga naglalakihang ilog ng Tayabas ay isang opurtunidad din kung tutuusin upang magamit para sa kapakanan ng mamamayan nito, sa katunayan ang mga palayan sa Dap-dap, Lalo, Camaysa, Anos, Alitao at iba pang pamayanan ng Tayabas ay masasabing, may malaking ambag sa agrikultura at ekonomiya hindi lang ng Tayabas, bagkos ay sa buong lalawigan ng Quezon. Lalo pa nga kung pangangalagaan ang mga ilog na ito at hindi gagawing tapunan ng basura at padaluyan ng mga septic tank ng mga bahay na residensyal at mga piggery o poultry backyard man o commercial.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Sa palagay po ng may akda ang mga opurtinidad para mapanumbalik at mapamahalaan ng tama ang tubig para sa tunay na kapakinabangan ng mamamayang Tayabasin ay nasa kamay ng mga Pinunong- Lingkod ngayon ng Pamahalaang pang Lungsod ng Tayabas, abo’t-kamay lamang ang solusyon kung saan kayo mismo ang gagawa, na hindi sasandig sa iba o sa Prime Water.

Ngunit mga kababayang Tayabasin…nais ko pa rin kayong tanungin…dapat pa bang hintayin ang susunod na moro-morong halalan…para matugunan ang usaping ito ng Tubig?

Dapat pa bang tayo ay magtiis na pag gising sa umaga ay walang tubig? At dapat pa bang hintayin nating makakita ang mga nagbubulagbulagang mga nahalal na lider na kumilos para sa usaping ito ng tubig?

Tama bang umasa na lang ang Tayabas ng tubig sa Prime Water? At tama bang ang mga nahalal na lider ng ating lungsod ay tahimik at walang gagawin para sa usaping ito?

Maaring ang mga katanungan ito ay katulad din ng inyong mga tanong…kapwa Tayabasin…sana lang dumating ang panahong…hindi na tanong, bagkos ay pasasalamat ang iaalay sa atin ng ating mga susunod na mga henerasyon ng Tayabasin.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.