Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Tree planting activity ng pamahalaang panlungsod, dinaluhan ng iba’t-ibang sektor

August 17, 2019 LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Bilang paunang aktibidad sa pagdiriwang ng Linggo ng Lucena, isang tree planting activity ang i...

August 17, 2019

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Bilang paunang aktibidad sa pagdiriwang ng Linggo ng Lucena, isang tree planting activity ang isinagawa ng pamahalaang panlungsod.

Dinaluhan ang naturang aktibidad ng iba’t-ibang sektor na nagmula sa pribado at nasyunal na ahensya na kung saan ay ginanap ito sa Farm Tourism Site sa bahagi ng Brgy. Kanlurang Mayao.

Pinangunahan ng City Agriculturist Office sa ilalim ng pamumuno ni Mam Melissa Letargo ang nabanggit na okasyon.

Kasama rin ni Letargo dito ang Tourism Officer na si Arween Flores at ang representante ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala na si City Administrator Anacleto “Jun” Alcala Jr.

Kabilang sa mga nagsipagdalo dito ay ang ilang mga kapitana at kapitan sa Lucena, mga SK Chairman at Chairwomen, ilang mga kawani ng pamahalaang panlungsod, mga tauhan ng Lucena PNP, BJMP-Lucena Male and Female Dorm, BFP-Lucena, Girl Scouts at Boy Scouts of the Phils.

Maging ang ilang mga kooperatiba sa lungsod ay nakibahagi dito gayundin ilang mga mag-aaral mula sa Clayan Educational Foundation Inc., at Lucena City National High School.

Sa naging pananalita ni sir Arween Flores, kaniyang lubos na pinasalamatan ang lahat ng mga nagsipagdalo at nakibahagi sa naturang okasyon bilang pasimula ng pagdiriwang ng Linggo ng Lucena.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Samantala, bagamat hindi nakarating sa pagdiriwang si Mayor Dondon Alcala dahilan sa dami ng kaniyang inaasikaso ay ipinahayon naman ni City Administrator Jun Alcala sa lahat ng nakibahagi dito ang taus pusong pasasalamat niya sa mga ito.

Gayundin sinabi rin ni Administrator Alcala na ang pagsasagawa ng ganitong uri ng aktibidad ay taon-taon nang ginagawa bilang bahagi ng pagsisimula ng Linggo ng Lucena.

Buong pagmamalaki rin ng administrador na noong nakalipas na taon ay sa bahagi ng Brgy. Talao-Talao isinagawa ang tree planting na kung saan ay mahigit sa 5,000 mga mangrove propagules ang itinanim dito.

At dahil na rin aniya sa pangangalaga ng mga tauhan ng City Agriculturist Office ay patuloy sa paglaki at pagganda ang naturang pinagtaniman nito.

Dagdag pa ni City Administrator Jun Alcala, ang pagsasagawa rin ng naturang aktibidad na ito ay bilang isang tanda sa lahat ng mga benipisyong maari nating makamit sa pagtatanim at pagpapalaki ng mga puno at halaman gayundin ang pagkakaroon ng pangmatagalang kapakanan para sa mga susunod na henerasyon.

At matapos na makapagbigay ng kaniyang mensahe, pormal nang isinunod dito ang pagtatanim ng mga nakibahagi dito.

Bakas na bakas naman sa mukha ng mga dumalo dito ang kasabikan sa pagtatanim ng mga iba’t-ibang uri ng fruit bearing trees na sa pagtagal ng panahon ay tiyak na mapapakinabangan ng marami.

Ang pagsasagawa ng tree planting activity na nabanggit ay bilang pakikiisa ng pamahalaang panlungsod sa pangangalaga ng kapaligiran at sa kalikasan. (PIO Lucena/ R. Lim)






No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.