August 3, 2019 Matagumpay na isinagawa ang pagpupulong hinggil sa Annual Investment Program ng lungsod para sa taong 2020 kamakailan. Gi...
Matagumpay na isinagawa ang pagpupulong hinggil sa Annual Investment Program ng lungsod para sa taong 2020 kamakailan.
Ginanap ang naturang pagupulong sa conference room ng Mayor’s Office na kung saan ay dinaluhan ito ng halos lahat ng mga kapitan at kapitan ng barangay sa Lucena.
Pinangunahan naman ito ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala kasama si City Budget Officer Rosie Castillo.
Sa nabanggit na pagpupulong, tinalakay dito ang ilang mga magiging programa at proyekto ng mga kapitan at kapitana sa lungsod.
Ilan sa mga proyektong pinaglalaanan ng mga nasabing opisyales ay ang pagasagawa ng farm to market road.
___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___
Gayundin ang pagsasaayos ng ilang mga multi-purpose hall, repair ng kanilang barangay hall at marami pang iba.
Samantala sa naging pananalita ni Mayor Dondon Alcala, kaniyang pinasalamatan ang lahat ng mga nagsipagdalo sa naturang pagpupulong na nabanggit.
Kaniya ring hiniling sa nasabing pagpupulong ang iba pang suhestiyon ng g akapita at kapitana dito hinggil naman sa iba pang mga proyektong nais gawin para sa kanilang barangay.
Ilan sa mga ito ang humiling kay Mayor Alcala na nagnanais na magpatayo ng covered court para sa kanilang lugar.
Anila ang covered court na nabanggit ay magsisilbing palaruan ng mga kabataan sa kanilang barangay at lalo’t higit ay ang magiging evacuation center sakaling magkaroon ng sakuna.
Naging positibo naman ang kasagutan ng alkalde sa mga ito at sinabing agad na ito ay isasagawa kapag naiaayos na ang kaukulang pondo para dito.
Labis naman ang naging pasasalamat ng mga humiling na kapitan at kapitana ng pagawaing ito kay Mayor Alcala at sa patuloy nitong pagtulong sa kanilang barangay.
Ang pagsasagawa ng pagpupulong na nabanggit ay upang alamin ang ilang mga programa at proyektong nais ipatupad ng mga barangay chairman at chairwoman sa kanilang lugar at upang mapaglaanan ito ng kaukulang pondo. (PIO Lucena/ R. Lim)

No comments