by Sentinel Times Weekly News Team August 3, 2019 CVODA President Maria Elizabeth F. Reyes, Vice President Alexander B. Caliza Jr. BOD...
CANDELARIA, Quezon - Sa pagnanais na maitaguyod ang magandang serbisyo ng transportation sa bayan ng Candelaria, Quezon ay itinatag at binuo ang Candelaria Van Operators and Drivers Association na may humigit apat na pung miyembro ng Van operators at drivers ang nasabing grupo na may Certificate of Registration of Worker’s Association – Reg. No. ROA-4A-QPO-157-01-8-19 sa ilalim ng Provision ng Presidential Decree No 1365, Article 243 ng Labor Code of the Philippines sa DOLE as amended by Presidential Decree No. 137 ng approved rules on the registration of Rural Workers Organization sa bansa.
Ito ay batay sa mungkahi ng kanilang pangulo na si Gng. Ma. Elizabeth F. Reyes na iparehistro ang samahan sa Department of Labor and Employment matapos na mabalangkas ang saligang Batas at Alituntunan ng nasabing grupo.
Sa ilalim ng Article 1, ay nakasaad dito na ang ilan sa mga layunin ng CVODA ay mapagbuklod ang lahat ng operators at driver sa naturang bayan at karatig lugar kasabay ang pagtataas ng moral, panlipunan at pang kabuhayang aspeto ng mga kasapi. Ilan pa sa mga layunin ng samahan ay ang pagtanggol at itaguyod ang pangunahin at pangkalahatang karapatan ng mga kasapi ganun din ang magsikap at magkaisa upang mapagtibay ang anumang ugnayan sa alinmang ahensya ng pamahalaan at ibang katuwang sa pagpapaunlad ng kabuhayan at pagsusulong ng pagkalahatang kabutihan ng mga kasapi. Sinasabi sa Article II sa ilang seksyun 1 ay nakasaad dito kung sino ang maaring maging kasapi at sa seksyun 2 ay kung paano ang pagsanib sa samahan at sa seksyun 3 ay sinasabi ang batayan ng mga mabuting kasapi.
Ayon kay Gng. Reyes pinagbuklod ng samahan ang mga Van Operators at Drivers sa kanilang bayan at siniguro nito na magiging transparent ang kanyang pamumuno at lahat ng desisyon diumano ay masusing pag-uusapan ng mga opisyal at myembro ng CVODA sa adhikain ng pagkakapantay-pantay at lideratong nagpapakita ng mabuting halimbawa.
Samantala, si G. Alexander B. Caliza Jr. ang tumatayong Vice President ng CVODA at sina Mark Rowell Garcia ang secretary, Pepe S. Villanueva ang ingat-yaman at tagasuri si Isidro C. Guevarra Jr., Arnold Jabrica ang tagapamahayag, at tagapamayapa naman sina Randy C. Villapando at si Mario L. Maranan samantalang sina Rey Bulahan at Manny De Guzman ang tumatayong Board of Directors ng samahan.
Ayon kay BOD Rey Bulahan na bukod sa pagkakaisa, hanap-buhay at pagtutulungan ay serbisyo sa publiko bilang Non Government Organization (NGO) ang isa kanilang pangunahing layunin. Aniya, malaki ang ginhawa at matitipid ng kanilang mga kababayan dahil bukod sa mga bago at mga airconditon ang kanilang Van na maghahatid patungo sa lungsod ng Lucena na dadaan sa mga hospitals at iba pang sangay ng pamahalaan na madadaanan ng kanilang rota bago tumuloy sa kanilang terminal na nasa SM-Lucena. Hindi hamak na makakatipid anya ang mga pasahero dahil hindi na magpapalipat-lipat ng pagsakay ang mga ito sa mga nasabing hospitals at clinics lalo na ang mga Senior Citizens na may 20% discount maging ang mga estudyante. With reports: Sentinel Times Weekly News Team
No comments