by Lolitz Estrellado August 31, 2019 Sto. Tomas Mayor Edna P. Sanchez STO. TOMAS, Batangas - "Very confident naman kami at inaa...
August 31, 2019
Sto. Tomas Mayor Edna P. Sanchez |
STO. TOMAS, Batangas - "Very confident naman kami at inaasahan na namin, na sana ay YES VOTE sa city hood ng Sto. Tomas ang magiging desisyon ng mga botanting Tomasino sa gaganaping plebisito na nakatakda sa Setyembre 7, 2019 "
Ito ang isang tinig na na binigkas nina Sto. Tomas Mayor Edna P. Sanchez at Vice Mayor Armenius Silva sa isang media forum na ginanap sa conference room ng munisipyo kamakailan.
Ayon kay Mayor Sanchez, umiikot sila sa mga barangay at ipinaliliwanag sa mga tao ang mga kagalingan, pag-unlad at mga kabutihang matatamo ng Sto. Tomas sa sandaling maging pormal na itong isang component city o lunsod pagkatapos na maratepika ng mga Tomasino mismo sa gaganaping plebisito sa darating na Setyembre 7, 2019.
Sinabi pa nito na maayos naman at nauunawaan ng nga Tomasino ang mga bagay bagay kaugnay ng isyung ito, at tinatanggap nang masigla ang nalalapit na plebisito upang maging ganap nang siyudad ang kanilang bayan.
Ipinaliwanag naman ng masipag at magaling na bise, alkalde, Hon. Armenius Silva na walang dapat ipag-alala ang kanyang inga kababayan ukol sa sinasabing pagtaas ng buwis sa sandaling maging isang ganap nang lunsod ang Sto. Tomas.
"Hindi naman agad-agad iyan magaganap. At kung kailangan talaga, maaari po iyan pagkaraan o pagkalipas pa ng limang (5) taon, at syempre, dadaan iyan sa tamang proseso, sa sangguniang bayan, at public hearing. At kung maiayos naman, kailangan ay hindi lalampas sa sampong porsiyento (10%) ang itataas ng buwis. Malinaw naman iyan at nasa batas," ayon kay VM Silva.
Kapuwa nagpahayag ang dalawang kasalukuyang pinakamataas na pinuno ng Sto. Tomas ng positibong pananaw ukol sa posibleng magiging resulta ng plebisito sa Setyembre 7 pagkatapos ng plebisito ay ito rin mismo ang araw na ganap nang isang lunsod ang Sto. Tomas, at matatala ito sa kasaysayan at taon-taon tuwing, sasapit ang nasabing petsa ay gugunitain at ipagdiriwang ng sambayanang Tomasino.
Umaasa naman ang kanilang mge kababayan na magpapatuloy ang magagandang serbisyo at mga programa ng lokal na pamahalaan at madaragdagan pa ang mga ito.
No comments