September 7, 2019 May 126 corn growers sa Batangas City ang nagtapos sa Ala-Eh MaisKwelahan, isang Radyo Eskwela sa Batangas na proyek...
May 126 corn growers sa Batangas City ang nagtapos sa Ala-Eh MaisKwelahan, isang Radyo Eskwela sa Batangas na proyekto ng Department of Agriculture- Agricultural Training Institute (ATI) , September 3 sa Batangas Provincial Auditorium, Capitol Site.
Ang mga gradauates ng Batangas City ang pinakamalaking bilang ng mga magsasaka na kung saan may kabuuang 640 farmers mula sa 20 bayan sa Batangas Province ang nagtapos .
Tumagal ng 14 na Sabado ang learning ng mga participants sa pamamagitan ng pakikinig sa naturang school-on- the- air (SOA) program ng ATI sa ALFM Radyo Totoo mula May 3 hanggang August 3.
Layunin ng nasabing programa na mabigyan ng ibat-ibang kaalaman ang mga corngrowers hinggil sa mais bilang ito ang itinuturing na second most important commodity at ang pagmamaisan din ay kabilang sa Good Agricultural Practices (GAP) sa bansa.
Nangungunang kabuhayan sa Batangas ang paghahayupan kung kayat maraming feedmills dito na gumagamit ng mais bilang produkto.
Ilan sa mga aralin na tinalakay sa SOA ay ang corn industry situation, economic importance & use of corn, seed selection & germination, soil sampling & ph soil analysis, Integrated Nutrient Management, pest & diseases of corn, aflatoxin nature, prevention & control, mechanization of corn, marketing, record keeping, financial literacy, baby corn & corn silage, value adding & corn by-products, Philippine Crop Insurance Programs & Services at Agricultural Credit Policy Program at climate change.
Binanggit din dito ang mga agricultural programs ng ATI at ng pamahalaang panlalawigan at nagtampok din ng success stories ng ilang magtatanim ng mais.
Sa mensahe ni City Veterinarian Dr Macario Hornilla na syang kinatawan ni Mayor Beverley Dimacuha, ipinagmalaki niya na ang Yellow Corn Sufficiency Program ang banner program ng lungsod na sinimulan noong administrasyon ni dating Mayor Eduardo Dimacuha at ipinagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan ni Mayor Beverley. “Malaki ang suporta ng pamahalaang lungsod sa programang ito kung kaya’t naging matagumpay ito,” dagdag pa niya.
Ipinaabot naman ni DA Regional Executive Director RFO IV-A Arnel De Mesa ang kanyang pagbati sa mga nagsipagtapos sa pamamagitan ng kanyang kinatawan na si Avelita Rosales na syang in-charge sa Regional Corn program. Handa aniya ang kanilang tanggapan na magpaabot ng tulong sa mga corn growers ng Batangas partikular sa paggamit at pagkakaloob ng mga equipment at sana ay maipagpatuloy at mas mapalawak pa ng mga ito ang pagmamaisan.
May hamon naman ang kinatawan ni Governor Hermilando Manadanas na si Executive Assistant for Education Merly Pasatiempo sa mga nagsipagtapos. “Sanay tulad ng isang kawayan ay maging matatag kayo at malampasan ang mga pagsubok at sumabay sa pag-unlad. Magamit at mapakinabangan sana ninyo ang inyong mga natutunan at maibahagi ito sa iba,” sabi niya
Malaki ang pasasalamat ni Gng Norma Cachola, isa sa mga participant mula sa Batangas City.
Lubos aniya ang suportang ipinagkakaloob ng pamahalaang lulngsod sa kanila. Bukod sa libreng binhi at libreng paggamit ng traktora, corn sheller at corn drier, malaking bagay aniya ang mga libreng training at seminar na ipinagkaloob sa kanila upang mas lalong mapaunlad ang kanilang maisan. Dahil dito, malaking tulong ang pagmamaisan upang maipaayos nila ang kanlang bahay at mapagtapos ang bunso sa kanilang apat na anak.
Sa tatlong ektarya ng kanilang pananim, umaani aniya sila ng 15 tonelada ng mais na binebenta sa kinaaniban nilang kooperatiba, ang SIDCI.
Dumalo din sa graduation ceremony si Provincial Agriculturist Engr Pablito Balantac at si ATI Region IV A Center Director Maritess Cosico.
Katuwang ng ATI sa Ala-Eh maiskwelahan ang DA Region IVA, Batangas State University(BSU), provincial government at ang ALFM
No comments