September 7, 2019 LUNSOD NG LUCENA - SA TULONG NG TESDA-QUEZON SCHOLARSHIP PROGRAM AT INISYATIBO NI JAIL CHIEF INSPECTOR ADELAIDA TABURADA...
LUNSOD NG LUCENA - SA TULONG NG TESDA-QUEZON SCHOLARSHIP PROGRAM AT INISYATIBO NI JAIL CHIEF INSPECTOR ADELAIDA TABURADA, 25 PERSONS DEPRIVED OF LIBERTY AT 3 PERSONNEL MULA SA LUCENA CITY DISTRICT JAIL FEMALE DORMITORY ANG NAKIISA SA PRE-ASSSESMENT NG BREAD AND PASTRY PRODUCTION NC II KAMAKAILAN.
AYON KAY UNIT INMATES WELFARE AND DEVELOPMENT OFFICER, JAIL OFFICER 1 IMELDA LIMYOCO, NAGSIMULA ANG KAUNA-UNAHANG BATCH NG BPP NCII NOONG HUNYO KUNG SAAN SA LOOB NG 3 BUWAN, SA TULONG NI BPP NCII INSTRUCTOR RUTH NAPERI, 18 SESSION ANG PUPUNAN NG MGA ESTUDYANTE PARA MATAPOS ANG NASABING KURSO.
TANGING KAGUSTUHAN AT ORAS LAMANG ANG PUHUNAN NG MGA ITO DAHIL MAGING ANG MGA KAGAMITAN AT INGREDIENTS NA KINAKAILANGAN SA BAWAT SESSION AY IPINAGKAKALOOB RIN NG TESDA-QUEZON.
GIIT NI LIMYOCO, BAHAGI PA RIN ITO NG THERAPEUTIC COMMUNITY MODALITY PROGRAM NG KANILANG TANGGAPAN PARA SA MGA PDL NA NASA KANILANG KUSTODIYA.
GAYA RIN UMANO NG MGA NATUTUNANG SKILLS MULA SA MGA NAKALIPAS NA TRAINING MILA SA LUCENA MANPOWER SKILLS TRAINING CENTER GAYA NG FOOD AND BEVERAGES SERVICES AT COSMETOLOGY, NANINDIGAN RIN SI LIMYOCO NA MAGAGAMIT NG MGA ITO ANG KARAGDAGANG KAALAMAN SA PAGBE-BAKE.
BALAK KASI NG AHENSYA NA MAGTAYO NG BAKERY SA LOOB NG KANILANG BISINAD SAKALING MAGKAROON NG SAPAT NA BUDGET PARA RITO.
SAKALI NAMAN NA MAKALAYA NA ANG MGA ITO, KAMPANTE RIN SI LIMYOCO NA MAGAGAMIT NG MGA PDL ANG DAGDAG KAALAMAN BILANG ARMAS SA PAGSISIMULA NG PANIBAGONG BUHAY.
IKINATUTUWA RIN NI LIMYOCO ANG PAGTANGKILIK NG MGA PDL SA NASABING PROGRAMA. MARAMI PA RAW KASING PDL ANG NAGNANAIS NA SUMALI SA SUSUNOD NA BATCH.
ISASAGAWA ANG FINAL ASESSMENT NG MGA ITO SA DARATING NA SETYEMBE 16. (PIO LUCENA/C.ZAPANTA)
No comments