Editoryal September 7, 2019 Nitong nakalipas na 2 taon, tunay namang nakakawindang ang mga naging kaganapan. Una rito, sumambulat sa ...
September 7, 2019
Nitong nakalipas na 2 taon, tunay namang nakakawindang ang mga naging kaganapan.
Una rito, sumambulat sa buong mundo na umabot na sa pitong (7) bilyon ang populasyon ng daigdig; samantalang ang bilang ng tao sa Pilipinas ay 100 milyon na. Ang sanggol na isinilang sa bansa in Juan noong Oktubre 31, 2017 anak ng mag-asawang Pilipino, ang siyang naging ika-7 bilyong mamamayan ng mundo.
Ikinatuwa ito ng madlang pipol, inulan ng sari-saring regalo ang masuwerting (?) bata.
Subalit pagkalipas ng ilang araw, ang balitang ito ay natabunan ng 2 celebrated murder cases. Natabunan nito ang mahalagang implikasyon ng naunang balita ukol sa paglobo ng populasyon ng mundo, at ng bansang Pilipinas.
Nito ring nakalipas na isang buwan, lumabas ang pinakabagong survey ng SWS tungkol sa dami ng bilang ng pamilyang Pilipino sa bansa na nakakaranas ng pagkagutom - 4 milyong pamilya o 20 poweigento ng kabanang populasyon
Ang iba pang problema na sinasabing palagi na ay kaakibat ng pagdami ng tao sa bansa ay ang kakulangan ng disenteng trabaho; kawalan ng kakayahang mapag-aral ang anak; pagdami ng krimen; kakulangan sa disenting tirahan o panahanan at marami pang iba.
Sa maikli at madaling unawaing salita, kahirapan ang dulot ng mabilis at hindi mapigil na pagdami ng tao sa bansa.
At ito ang pinupuntos ng mga tagasulong ng panukalang batas na Reproductive Health (RH) Bill.
Na kinokontra naman ng mga anti-RH.
Nakakahilo at nakakalito ang mga argumento ng bawat panig.
Tutuo naman na ang pag dami ng tao ay malaking problema, kung hindi marunong mamahala ang liderato, at ang tao mismo.
Sa kaso ng Pilipinas, masuwerte ito sapagkat bukod na pinagpala, biniyayaan ng masaganang likas na yaman at luntiang kapaligiran. At kung mahusay ang mga namamahala sa gobyerno, disiplinado at produktibo ang mamamayan gaano man kalaki ang bilang nito, WALANG MAGHIHIRAP, WALANG MAGUGUTOM.
Ngayon, tingnan natin sa positibong perspektibo ang paglabo ng populasyon.
Ang 94-milyong Pinoy. Mas marami, mas masaya. Mas marami, mas malakas na pwersa; mas maraming manggagawa, mas malaki ang produksyon; mas maraming tao sa paligid, mas maraming magbabantay at mangangalaga sa likas na yaman at kapaligiran; mas maraming tao, mas maraming kamay ang magtutulong- tulong at mas maraming utak ang mag-iisip. (Mas marami raw mangungurakot?)
Ang 100 milyong Pinoy, mas malakas ang pwersa para maisulong ang kaunlaran at paglago ng ekonomiya.
KUNG...
Kung mabibigyan sila ng isang matuwid na landas at aakayin silang tumahak dito ng isang matatag, malakas, at matuwid na liderato ng bansa, na ang kinikilalang Boss ay ang makapangyarihang Ama sa Langit, pangalawa ang mga mamayan.
Mula dito, bubuhos ang ligaya at mamumuhay nang masagana at may dignidad ang bawat Pilipino na hindi na kailangang magpakabusabos sariling lupa o magpaalipin sa ibang bansa upang kumain ng 3 beses isang araw.
Umabot man sa isang daang milyon o higit pa ang bilang ng tao sa bansa, hindi na poproblemahin.
At marahil, meron o walang RH Bill, hindi na ito kaso. Wala ng pagtatalunan pa.
KUHA NIYO?
No comments