Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

“ATING BARKADA KONTRA DROGA”, INILUNSAD SA BRGY. MAYAO CASTILLO

September 20, 2019 LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Maging kaisa ng lokal na pamahalaan at ng mga awtoridad na nangangalaga sa kaayusan at ka...

September 20, 2019

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Maging kaisa ng lokal na pamahalaan at ng mga awtoridad na nangangalaga sa kaayusan at kapayapaan sa kampanya ng mga ito laban sa ipinagbabawal na gamot.

Ito ang isa sa pangunahing layunin ng paglulunsad ng Ating Barkada Kontra Droga o ABKD sa Brgy. Mayao Castillo sa tulong ng pinagsanib na pwersa ni Kapitan Jun Garcia at SK Chairperson Shiela Manalo.

Nagwagi bilang pangulo ng naturang organisasyon si Mae Aira Manalo Umali at bise-presidente naman si Jess Robles Ebreo.

Ang mga ito kasama ng iba pang opisyal ay ang magiging katuwang ng Sangguninang Kabataan ng Mayao Castillo sa mga proyekto para sa kabataan.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Gayundin sa tulong ng mga opisyal ng samahan at ng pamunuang barangay at Sangguniang Kabataan ay magagabayan ang mga kabataan na labanan ang droga at sa halip ay ituon na lamang ang kanilang oras sa mga bagay na makakatulong sa kanila tulad ng pag-aaral at pagsali sa mga pampalakasang laro.

Sa pamamagitan din ng paglulunsad ng ABKD ay mas matututukan ang mga mamamayan ng Brgy. Mayao Castillo lalo’t higit ang mga kabataan na huwag mapasama sa mga iligal na Gawain tulad ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Matatandaang bukod sa nasabing paglulunsad, kabilang pa sa programang ibinababa sa barangay ay ang “Run Againts Illegal Drugs" ng Sangguniang Kabataan bilang bahagi ng pagdiriwang ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking o "IDADAIT" noong buwan ng Hunyo.

Ang paglulunsad ng ABKD sa mga barangay ay naaayon sa iniatas ng Dangerous Drugs Board na magkaroon ng naturang organisasyon sa bawat paaralang pang-sekundarya at pamayanan para sa patuloy na pagpapaigting ng mga programang susugpo sa iligal na droga. (PIO-Lucena/M.A.Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.