by Lyndon Gonzales August 31, 2019 Nagpalabas ng anunsiyo ang Bureau of Fisheries an d Aquatic Resources o BFAR ng Shellfishes Bulletin...
by Lyndon Gonzales
August 31, 2019
Nagpalabas ng anunsiyo ang Bureau of Fisheries an d Aquatic Resources o BFAR ng Shellfishes Bulletin No.15 Series of 2019 para sa dalawang naturang Rehiyon noong Biyernes ng hapon.
Ayon sa BFAR, ang nakukuhang shellfishes mula sa mga karagatan sa naturang dalawang Rehiyon ay may red tide toxin na hindi ligtas kainin ng mga mamamayan mula sa karagatan ng Puerto Princesa Bay, Puerto Princesa City sa Palawan, San Pedro, Maqueda, Irong-Irong, Silanga at Cambatutay Bays sa Western Samar, Lianga Bay sa Surigao del Sur at sa mga coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte.
Sinabi pa ng BFAR, ang mga isda, squids, hipon, at mga katang o crabs ng mga mahuhuli sa mga karagatang nabanggit sa mga naturang lugar sa una ay ligtas namang kainin ng mga mamamayan na dapat sariwa ito at aalisin ang mga bituka bago nila lutuin.
At samantala, iginiit pa ng BFAR ang mga coastal waters mula sa Cavite, Las Piñas, Parañaque, Navotas, Bulacan, Bataan Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Abucay at Samal sa Manila Bay ay hindi naman apektado ng red tide toxic kung kaya’t ligtas naman kainin ang mga shellfishes ng mga mamamayan dito.
No comments