Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

CPP-NPA ideneklarang persona non-grata sa buong Quezon ng PPOC

September 7, 2019 Sa pangunguna ni Quezon Governor Danilo E. Suarez, kasama ang mga mayor, Quezon Provincial Police Office, Armed Forces ...

September 7, 2019

Sa pangunguna ni Quezon Governor Danilo E. Suarez, kasama ang mga mayor, Quezon Provincial Police Office, Armed Forces of the Philippines, Philippine Drug Enforcement Agency at iba pang ahensya ng pamahalaan. Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang ilan sa mga usaping may kinalaman sa crime and order situation, internal security at ulat ukol sa anti-drug campaign sa Lalawigan ng Quezon.
Bilang bahagi ng programa para sa pagpapatibay ng kaayusan at kapayapaan sa Lalawigan ng Quezon, isinagawa nitong ika-4 ng Setyembre ang Joint Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC) meeting sa Queen Margarette Hotel, Brgy. Domoit, Lucena City.

Sa pangunguna ni Quezon Governor Danilo E. Suarez, kasama ang mga mayor, Quezon Provincial Police Office, Armed Forces of the Philippines, Philippine Drug Enforcement Agency at iba pang ahensya ng pamahalaan. Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang ilan sa mga usaping may kinalaman sa crime and order situation, internal security at ulat ukol sa anti-drug campaign sa Lalawigan ng Quezon.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Kasabay nito, ipinasa naman ang isang resolusyon na nagdedeklara sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army o CPP-NPA bilang persona non-grata sa buong lalawigan ng Quezon na pinagtibay ng konseho.

Ibinahagi naman ng 201st 202nd at 902nd Infantry Brigade ng Armed Forces of the Philippines ang ilan sa mga internal security operation sa probinsya na may kinalaman sa kanilang kampanya sa insurgency partikular sa New People’s Army. Binigyang diin ng mga ito na napababa nila ang kaso ng insurgency sa una at ikalawang distrito ng lalawigan.

Pinuri ni gobernor Suarez ang Quezon PPO sa pangunguna ni Col. Audie Madrideo sa kanilang nagampanan para mapababa ang nagaganap na krimen sa lalawigan.

Nagbigay din ng karagdagang ulat ang tanggapan ng PDEA ukol sa mga datos na may kinalaman sa kasalukuyang estado ng kampanya ng pamahalaang panlalawigan sa paglaban sa iligal na droga.



Samantala, kaakibat sa patuloy na implementasyon ng mga programang may kinalaman sa katahimikan at kaayusan sa probinsya, iminungkahe ni Mayor Ramon Preza, bilang pangulo ng Mayor’s League, na magkaroon ng kapasyahan na naglalayong suportahan ng buong lalawigan ng Quezon ang DILG Memorandum no. 2019-121 o “To clear roads of illegal structures and construction” na ipinalabas ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sinangayunan naman ni gobernor Suarez.



Bilang panghuli, ipinaabot ni Suarez ang kanyang pasasalamat sa mga mayor dahil sa masusing tagumpay ng katatapos lamang na Niyogyugan Festival. (Quezon-PIO)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.