Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

CUENCA, AYAW SA BASURA

by Lolitz Estellado  August 31, 2019  CUENCA, Batangas - Isa sa mga prayoridad in Mayor Faye Endaya Barretto kaisa at katuwang ang iba pang...

by Lolitz Estellado 
August 31, 2019 

CUENCA, Batangas - Isa sa mga prayoridad in Mayor Faye Endaya Barretto kaisa at katuwang ang iba pang lokal na pinuno ng pamahalaang bayan, ay ang lalo pang mabawasan ang mga basura sa buong Cuenca at tanghalina itong isang "ZERO WASTE MUNICIPALITY" na malapit nang matupad.

Sa isang ekslusibong panayam sa masipag at mabait na punong bayan ng Cuenca, nabanggit nito na may mga truck naman sila na panghakot ng mga basura at ang mga ito ay regular na umiikot sa buong bayan upang mangolekta.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Sa isang kahiwalay na panayam naman kay Ismael Arada, MPCD/MENRO, ipinaliwanag nito na nais ng kanilang masipag at mabait at napakahusay na punong bayan na patuloy pang mabawasan ang mga basura sa Cuenca kaya naman sila ay todo ang suporta at pakikiisa rito. Batay sa probisyon ng RA 9003 o ang tinatawag na Ecological Solid Waste Management Act of  No. 9003 of 2000, bumuo sila ng mga adhikain at programa na naglalayong mahikayat ang mga Сunqueños na mag-recycling, matutong mag-composting at maghiwa-hiwalay (segregate) ng mga basura.

Sa kasalukuyan ay nagpapagawa na ang pamahalaang lokal ng sariling Material Recovery Facility (MRF) ng Cuenca.

Ang MRF, ayon kay Arada, ay isang pasilidad na ipinapatayo ng munisipyo sa bawa't barangay kung saan iipunin ang mga basura, pinaghihiwalay ang nabubulok at hindi nabubulok na basura.

Kinokolekta ang mga ito ng truck.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.