September 7, 2019 LUNGSOD NG LUCENA, QUEZON - SA PANGUNGUNA NI LUCENA CITY DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICER JANETH GENDRANO...
LUNGSOD NG LUCENA, QUEZON - SA PANGUNGUNA NI LUCENA CITY DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICER JANETH GENDRANO , MGA KAWANI LUCENA PNP, LUCENA BUREAU OF FIRE PROTECTION, AT LUCENA CITY ANTI-DRUG ABUSE COUNCIL, 200 IBA’T-IBANG KLASE NG HALAMAN GAYA NG NARRA, LIPUTI, AT BIGAY ANG NAITANIM SA BAHANGI NG BARANGAY SALINAS KAMAKAILAN.
AYON KAY GENDRANO, ANG NASABING CULMINATING ACITIVITY AY ISA SA MANDATO NG KANILANG AHENSYA NA NAKATUON SA ASPETO NG PREVENTION AND MITIGATION. LAYUNIN NITONG PANATILIHIN ANG PARTISIPASYON NG KOMUNIDAD SA KALIKASAN UPANG MAIBSAN ANG PAPALALANG PROBLEMANG KINAKAHARAP NG MUNDO HINNGIL SA CLIMATE CHANGE.
PINATUNAYAN RIN UMANO NG MGA KAWANI NG MGA NASABING AHENSYA NA BUKOD SA PAGIGING KATUWANG NG PAMAHALAAN PAGDATING SA PAGLILINGKOD SA BAYAN, HANDA RIN SILANG MAGLINGKOD AT BANTAYAN ANG KALIKASAN.
GIIT PA NITO, SA LOOB NG LIMA HANGGANG 10 TAON, INAASAHAN NA ANG MGA HALAMANG KANILANG ITINANUM AY MAKATUTULONG UPANG MAIIWASAN ANG PAGGUHO NG LUPA SA ILOG NA MATATAGPUAN SA BAHAGI NG BRGY. SALINAS. MAGIGING MABISANG INSTRUMENTO RIN RIN ANG MGA HALAMANG ITO UPANG MAPIGILAN ANG LABIS NA PAGBAHA SA NASABING LUGAR.
ANG TREE PLANTING ACTIVITY NA ITO AY BAHAGI PA RIN NG NAKAHANAY NA PROGRAMA NG KANILANG AHENSYA PARA SA NAKALIPAS NA DISASTER RESILIENCE MONTH NOONG NAKARAANG BUWAN NG HULYO. NAANTALA LANG UMANO ITO DAHIL SA MGA NAKALIPAS NA BAGYO. (PIO LUCENA/C.ZAPANTA)
No comments