Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Hydrogen Optimization Project groundbreaking, isinagawa

by Mamerta De Castro September 7, 2019 LUNGSOD NG BATANGAS - Idinaos ang groundbreaking para sa Hydrogen Optimization (HySTAR) Project n...

by Mamerta De Castro
September 7, 2019

LUNGSOD NG BATANGAS - Idinaos ang groundbreaking para sa Hydrogen Optimization (HySTAR) Project ng Pilipinas Shell Petroleum Corporation at Air Liquide sa Shell Refinery sa Brgy. Tabangao sa lungsod na ito noong ika-29 ng Agosto.

"Isang bagong pahina ito sa kasaysayan ng Tabangao refinery at patunay na may kakayahan ang Shell na makipag-ugnayan hindi lamang sa pamahalaang lungsod ng Batangas kundi maging sa Air Liquide." sabi ni Cesar Romero, Country Manager ng Shell Philippines

Ayon pa kay Romero, ang Shell ay may 117 taong karanasan na sa industrial gas industry.

Ipinahayag naman ni Mayor Beverley Rose Dimacuha na ipagpapatuloy ng pamahalaang lungsod at Shell ang isang matibay na samahan na malaki ang maitutulong hindi lamang sa lungsod kundi maging sa buong bansa.

Samantala, sinabi ni 5th District Representative Marvey Marino na ang pagkakaroon ng ganitong proyekto ay magkakaroon ng karagdagang mapapasukang trabaho ang mga Batangueno lalo na ang mga taga-lungsod ng Batangas partikular ang mga barangay na malapit dito.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Ayon kay Paolo Barredo, Business Opportunity/Business Development Manager ng HySTAR Project, magkatuwang ang dalawang malalaking kumpanya sa pagtatayo ng hydrogen manufacturing unit sa loob ng Shell Refinery. Ito ang siyang magsusuplay ng hydrogen sa refinery upang makapagproseso ng mas maraming de-kalidad na fuel na magagamit ng mga kumukunsumo nito.

Aniya, ang krudo ang pangunahing materyales na ginagamit ng refinery kung saan kino-convert nila ito upang maging finished product tulad ng diesel at gasoline. Ang HySTAR ay magpo-produce ng extra hydrogen na magagamit ng planta para ang iba pang uri ng krudo ay maiproseso ng refinery.

“Dati po nararanasan natin kung may tension sa Gitnang Silangan at nagkaroon ng kaguluhan nawawalan tayo ng crude supply kaya’t sa pamamagitan ng proyektong ito mas maraming tayong pagpipilian dahil mas maraming krudo ang maaari nating iproseso sa pamamagitan nito. Ito po ang kauna-unahan sa bansa. Ang mga hydrogen manufacturing units po ay regular na naglalabas ng carbon dioxide ngunit dahil sa partnership na ito sa halip na maging pollutants ito sa kapaligiran ay kukunin ito ng Air Liquide upang gamitin sa mga carbonated beverages,” ani Barredo.

Sa kasalukuyan ay dalawa na lamang ang malalaking kumpanya ng Shell sa Southeast Asia, isa ang nasa Singapore na flagship refinery at isa sa Pilipinas ang inland refinery sa Shell Batangas.

Dagdag pa ni Barredo na ang Air Liquide ay eksperto sa industrial gas at ang Pilipinas Shell Petroleum Corporation naman ay eksperto sa produktong petrolyo kaya’t nang ito ay nagsama ay mas lalong magandang ugnayan ang mabubuo.

Inaasahang magiging operasyunal ang naturang proyekto sa ika-apat na quarter ng taong 2020. (BHABY P. DE CASTRO-PIA Batangas)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.