Editorial September 28, 2019 Tuwing sasapit ang Oktubre 1-7 ay ipinagdiriwang ang Linggo ng mga Nakakatanda ngayong 2019 muli itong...
September 28, 2019
Tuwing sasapit ang Oktubre 1-7 ay ipinagdiriwang ang Linggo ng mga Nakakatanda ngayong 2019 muli itong iseselebra, ang 22nd Elderly Filipino Week na ang tema ay “Pagkilala sa Kakayahan, Ambag at Paglahok ng mga Nakakatanda sa Lipunan.”
Sa bisa ng Proclamation No. 470 na pinalabas noong Setyembre 1994, isinasagawa taon-taon ang pagdiriwang na ang layunin ay palakasin at palawakin ang kamalayan ng publiko sa iba’t ibang isyu na kinakaharap ng sektor ng mga nakakatanda.
Sa ngayon sa Republic Act (RA) 9994-The Expanded Senior Citizens Act of 2010 na nagbibigay ng mas maraming benepisyo at prebilehiyo sa mga matatanda, ang mga sumusunod ay dapat na matamasa ng mga senior citizens o mga matatanda: 20% diskwento o bawas sa pagbili ng mga produkto at serbisyo (purchase of goods and services); special 5% diskwento o bawas sa mga pangunahing produkto at pangangailangn; at 5% diskwento sa utility tulad ng tubig at kuryente.
Napakaganda ng mga probisyong ito ng batas para sa mga nakatatanda. Subalit may mga taong walang pakundangan at hindi sumusunod sa itinakda ng batas. May mga establisyementong ayaw magbigay ng diskwento, ang gusto lamang kumita sila sa kanilang negosyo. Wala silang pakialam sa matatanda.
Dapat nating isipin na kung wala ang mga nakakatanda-ang ating mga magulang, lolo, lola, mga tiyahin-wala rin tayo.
Kaya dapat, isipin naman natin sila. Ang kanilang lakas ay naubos sa pag-aaruga sa atin, sa paggabay at pagbibigay ng ating mga pangangailangan.
Ngayong sila ay matatanda na, ibalik natin sa kanila ang pagmamahal na ibinigay sa atin.
Pahalagahan natin sila, igalang, mahalin at arugain. Darating ang panahon, tayo ay magiging tulad din nila. Tatanda at lilipas din kayo.
No comments