September 7, 2019 LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”, ito ang popular na nilalaman ng talumpating inihayag ni...
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”, ito ang popular na nilalaman ng talumpating inihayag ni Dr. Jose P. Rizal, ang pambansang bayani ng Pilipinas.
Ang sektor ng kabataan ay isa sa pangunahing bahagi ng lipunan na binibigyang importansya ang
Malaki rin ang kanilang nagiging papel sa pagbibigay karangalan sa bansa na madalas ay nasusuri sa pamamagitan ng patimpalak sa larangan ng edukasyon, pampalakasan at pagpapakita ng talento.
Bukod dito, matatandaang mahigit sa isang taon na nang muling ibinukas ang pagkakaroon ng representasyon ng mga kabataan pagdating sa pamumuno sa pamayanan.
Ang mosyon na ito ang isa sa nagbigay boses sa mga ito upang ipakita ang makabagong istilo ngunit matatag na pamamahala ng kanilang sektor.
Kaugnay nito, parte ng inilahad ni ex-officio councilo Pratrick Norman Nadera sa kanyang pananalita kamakailan ay ang katangian ng mga kabataang lingkod-bayan sa bagong henerasyon.
Aniya, ang mga kabataang pinuno sa makabagong panahon ay isnag ehemplo ng mga indibidwal na may pangarap at may kakayanang tuparin ang mga pangarap na ito.
Gayundin hindi umano natitinag ang mga ito sa kahit anumang kakulangan. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang mga usapin sa pondo para sa Sangguniang Kabataan ay isang pambansang usapin. Dagdag pa dito ang pansamantalang pagbabawal na magpasa ang lokal na pamahalaan ng ordinansa o maglaan ng pondo na magbibigay ng buwanang ayuda para sa mga kabataang halal sa bawat barangay maliban sa SK Chairman. Ayon pa kay Nadera, may mga pagkakataong nahahadlangan ng pinansyal na kakulangan ang mas maayos na paggampan ng mga pinunong kabataan sa nakatala sa kanilang sinumpaang tungkulin.
At ang panghuli, ang mga kabataang pinuno sa makabagong panahon ay isang tropeyo ng susunod pang henerasyon.
Bilang pagtatapos naman sa inilahad ni Nadera na pribiliheyong pananalita ay taus puso itong nagpasalamat sa lahat ng miyembro ng SK Federation ng lungsod at sa lahat ng nakatutulong nila sa pagsususlong at pagbababa ng mga programa para sa kabataan.
Hinkayat din nito ang lahat ng Lucenahin na makiisa sa kanilang adhikain na maging kabahagi ng pamahalaang panlungsod para sa mas pag-unlad pa ng lungsod ng bagong Lucena. (PIO-Lucena/M.A.Minor)
No comments