Editorial September 20, 2019 Araw-araw, nakakadismaya nang makinig sa radyo, manood sa telebisyon at magbasa ng mga dyaryo, ng mga balit...
Editorial
September 20, 2019
Araw-araw, nakakadismaya nang makinig sa radyo, manood sa telebisyon at magbasa ng mga dyaryo, ng mga balitang panay naman ukol sa krimen, patayan, awayan, at pamumulitika ng mga nakaupo sa gobyerno. Pabata pa nang pabata ang mga kriminal.
Kasi ba naman, mga simpleng bagay na walang kabagay-bagay, o maliit na bagay lang naman ang pinagmumulan ng mga balitang ukol sa ibat ibang krimen, tulad ng patayan dahil sa road rage nasagi lang ang sasakyan, nagitgit lang, o nagkatitigan lang na parehong masama ang tingin.
Nasagi lang, nambasag na ng salamin; nagitgit lang, namaril na at pumatay; sinita lang ng traffic officer dahil may violation, aba'y binaril ang pobreng tumutupad lang sa tungkulin.
Nawawala sa ba sa katinuan ang karamihan sa madlang pipol? Nakakalimot na sa kagandahang asal? asal? Hindi na kilala ang Diyos? Wala ng pakialam sa kapuwa?
Let us go back to the basics. Hubugin sa tama ang mga bata upang ang mga susunod na upang ang mga susunod na henerasyon ay maging mabuti.
Ngayon, ituro sa mga bata any tamang daang dapat niyang lakaran, upang hanggang sa paglaki ay hindi siya maligaw ng landas.
Bilang mga nakatatanda, ipakita natin sa kanila ang mga halimbawa ng mabuting asal upang iyon ang. kanilang gawing modelo at tularan; ikuwento natin sa kanila ang mabuting balita, ang mga salita ng Diyos mula sa Bibliya para maging gabay nila sa buhay.
At sana, turuan silang maging responsable sa lahat ng bagay sa wika at sa gawa. Maraming kapaki-pakinabang na gawang makakahubog sa mga bata bilang mabubuting tao, may malasakit at pagtingin sa kapuwa, may paggalang at pagpapahalaga sa buhay.
Gabayan lang sila ng tama, iiwas sa droga at sa pagkalulong sa mga modernong gadgets ng teknolohiya, may pag-asa pa.
Tayong mga nakatatanda ang dapat na unang tumahak sa tamang daan para makasabay natin dito ang mga bata. At ilagay sa sentro ng buhay ang Diyos, tiyak na walang imposible.
Gaganda ang buhay, matatahimik ang mundo, at uunlad ang bayan.
No comments