Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Kapakanan ng mga mamamayan, dapat unahin - VM Trinidad

 Tanauan City Vice Mayor Herminildo "Jhun Jhun" Trinidad by Lolitz Estrellado September 14, 2019 TANAUAN CITY - Binigyang...

 Tanauan City Vice Mayor
Herminildo "Jhun Jhun" Trinidad
by Lolitz Estrellado
September 14, 2019


TANAUAN CITY - Binigyang-diin ni Tanauan City Vice Mayor Herminildo "Jhun Jhun" Trinidad na ang dapat isipin at unahin ay ang kapakanan ng mga mamamayan, kung ano ang makakabuti at makakatulong sa kanila.

"Ang ating pamantayan palagi dito ay kung ano ba iyong tama para sa mga mamamayan. What is good for your constituents," pahayag ng Tanauan City Vice Mayor na isang mahusay na abogado by profession.

Ipinaliwanag rin nito na ang pagpapatuloy ng mga naiwang proyekto at programa ng nakalipas na administrasyong pinamunuan ng pumanaw na city Mayor Antonio C. Halili ay dapat lang na isagawa sapagkat pakikinabangan ito ng Sambayanang Tanaueño.

Si VM Trinidad ay nagsilbing city administrator sa panahon ni Mayor Tony Halili kaya alam na alam nito ang mga makabuluhan at para sa taong mga programa na lalong magdadala sa lunsod sa ibayong kaunlaran.

Isa si VM Trinidad sa mga gumawa ng konsepto ng mga programang ipinatupad ni ex-Mayor Tony Halili kaya nalungkot ito nang hindi na isinagawa ang naturang mga programa matapos na ito ay paslangin at yumao.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Naniniwala umano siya na isa sa mga nagiging dahilan ng mabagal na pag-unlad ng lokal na ekonomiya ng isang bayan o lunsod ay ang mga hangaring pulitikal.

"Isa rin ito sa dahilan ng pagkasayang o pag-aaksaya sa pondo ng bayan sapagkat ang mga programa o proyektong naiwan ng nakalipas na administrasyon ay hindi na isinagawa ng pumalit na pinuno dahil lamang sa tinatawag na kredito ng mga ito," paliwanag pa ni Vice Mayor Trinidad.

"Kaya naman ang dapat na gawin talaga ay unahin ng sino mang mamumuno ang kapakanan ng mga mamamayan at ang ikagagaling ng kanilang bayan," dagdag na sabi pa nito.

Nagpahayag din ng lubos no papasalamat sa mga Tanaueños si VM Trinidad sa suporta ng sambayanan sa kanilang tambalan ni Mayor Angeline "Sweet" Halili at pinalad na sila ay manalo noong nakaraang eleksyon dahil aniya ay maipagpapatuloy na rin ang mga naiwang programa at proyekto ng ating Mayor Tony Halili.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.