by Mamerta De Castro September 28, 2019 LUNGSOD NG TANAUAN, BATANGAS - Isinagawa ng Tanggapan ng Sangguniang Panglungod ang kauna-unahang...
September 28, 2019
LUNGSOD NG TANAUAN, BATANGAS - Isinagawa ng Tanggapan ng Sangguniang Panglungod ang kauna-unahang Session on Wheels sa Barangay Trapiche noong ika-17 ng Setyembre.
Sinabi ni Vice Mayor Atty. Hermenigildo Trinidad Jr., na ito ang kauna-unahang pagkakataon na lumabas ang mga miyembro ng konseho upang maipamalas sa mga Tanaueno ang proseso ng pagdadaos ng session.
“Bukod sa gusto nating ipaalam sa mga tao na ang kanilang mga piniling mahalal ay naglilingkod sa konseho, nais din nating ipakita sa kanila ang tamang proseso ng pagdaos ng sesyon. Paraan din upang malaman ang mga usapin o anumang isyu na kailangang bigyan pansin at masolusyunan sa barangay, ani Trinidad.
Ayon pa sa kanya, ito ay umpisa pa lamang ng kanilang pag-ikot sa buong lungsod, "isang beses kada buwan ay isasagawa ito upang mas maging transparent sa mga mamamayang Tanaueno kung ano ang mga aktibidad ng konseho, ano ang mga batas na naipasa na at kasalukuyang tinatalakay pa."
Sinabi naman ni Trapiche Barangay Chairperson Darwin Tan, na natutuwa siya dahil ang kanilang barangay ang unang nakinabang sa programang ito ng Sangguniang Panglunsod.
___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___
Hangad niya na anumang usapin na pag-uusapan at isasangguni ng kaniyang mga kabarangay ay mabigyan ng solusyon. Nagpasalamat din siya sa mga miyembro ng SP sa pagnanais na maibahagi ang paggawa ng batas at anumang usapin na tinatalakay dito.
Ilan sa mga ipinasang resolusyon ang pagkilala sa Tanaueno: ang dalawa na hinirang bilang ika-anim at unang puwesto sa ginanap na patimpalak ng Lakan at Lakambini ng Batangas na sina Joebert Macayanan at Eudosia Quilao, sa anim na nakapasa sa Forestry Licensure Exam kamakailan kabilang sina Nina Gonzales, Angela De Ocampo, Marwic Redondo, Charles Evangelista, Bealiza latido at Gerly Joy Gutierrez.
Kabilang din sa kinilala sina Engr. Carlo Natividad at Eng. Mark Dave Diokno na pumasa sa Licensure Exams for Engineering at Master of Electronics at paggawad ng pagkilala kay Anthony Pama, Pangulo ng Brgy. 4 TODA na nagsauli ng cell phone sa kanyang pasahero na nakaiwan nito.
Samantala, ilan sa mga usaping ipinahayag ang solusyon sa sobrang bigat ng trapiko sa may Tanauan City Integrated School. May 3,430 mag-aaral mula Junior high school hanggang Senior High School ang kasalukuyang nag-aaral dito. Dahil dito, kailangan hatiin sa ilang grupo ang oras ng pagpasok ng mga mag-aaral na nagsisimula ng 5:30 ng umaga. Bunsod din nito, nagkaroon ng double shifting bunga ng kakulangan ng silid-aralan.
Binigyang pansin din ang hinaing ng pamunuan ng Trapiche Elementary School na kinakailangan ng perimeter fence upang mapalakas ang seguridad at maiwasan ang soil erosion lalo na tuwing tag-ulan dahil sa tubig na umaagos mula sa itaas na bahagi ng lugar. Inilapit din ang kakulangan ng maayos na tangke ng tubig ng nasabing paaralan dahil sa kalumaan.
Lumapit din ang mga guro ng Trapiche Child Development Center na nakatakdang gibain dahil apektado ng widening program ng pamahalaan. (BHABY P. DE CASTRO-PIA Batangas)

No comments