By Sentinel Times Staff September 7, 2019 (Kaliwa-Kanan) Dr. Christian J. Bables, Dr. Joseph Jay Aureada, Richelle Quintero, Zenaida Ba...
September 7, 2019
|
(Kaliwa-Kanan) Dr. Christian J. Bables, Dr. Joseph Jay Aureada, Richelle Quintero, Zenaida Baldovino, Chebby Labordo, Lorynel De Sagun at Carla Marie Carandang... Turn to p/4 |
Lungsod Tayabas- Inilunsad ang Pista ng Talento sa lahat ng mga pampribado at pampublikong paaralan ng Dibisyon ng Tayabas ang taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa na may temang “Wikang Katutubo: Tungo sa Bansang Filipino” nitong Agosto 2019 sa Ilasan Elementary School, na naglalayon na ilaan ang Buwan ng Agosto bilang lunsaran ng mga pagpupunyagi para sa mga katutubong wika ng bansa.
Priority Project ng Dibisyon ng Tayabas sa pamumuno ni Dr. Christian J. Bables ang Zero-Non Reader sa lahat ng antas at pagpapaunlad ng wikang Tayabasin bilang alinsunod ng kultura at sining kaya’t ibat ibang programa at gawain ang inilunsad upang maabot ang layunin ng dibisyon.
Pinakatampok sa pagdiriwang ang “Kuwentong Basa ni Nanay, Basa ni Tatay” na kung saan ang mga mga magulang ay magpapakitang gilas sa pagkukuwento gamit ang bigbook. Anim na mga magulang ang nagtagisan sa pagbasa ng kuwento. Iniuwi ni Gng. Chebby Labordo ng Tayabas West Central School II ang unang puwesto, Luzviminda Quinto ng Katigan-Alupay Elem. School, na nakakuha naman ng ikalawang puwesto at Dina S. Gonzales ng East Palale Elem. School, ikatlong puwesto.
Sa panayam ng Sentinel Times kay Labordo sinabi niya na lubos ang kaniyang kasiyahan sapagkat naiuwi niya ang unang puwesto. Dagdag pa niya, na sa pamamagitan ng pagkukuwento sa loob paaralan ay may naiaambag siya sa pagbuo ng character ng bata.
“Nakamamangha ang husay na ipinakita ng mga magulang sa pagkukuwento. Hindi ko sukat akalain na nakakapatulala ang presentasyon na ipinakita ng mga magulang. Kaya’t masasabi kong epektibo ang programang Kuwentong Basa,” dagdag pa ni Bables.
Sinabi ni Bables na sa pamamagitan ng pagkukuwento sa mga mag-aaral sa tahanan, ang mga bata ay maagang natututo at madaling makaunawa sa pagbasa at pagsulat. Idinagdag pa niya na sa loob ng tahanan nagsisimula ang pagkatuto ng mga bata.
“Ang Kuwentong Basa ni Nanay, Basa ni Tatay ay taal na pinasimulan sa Dibisyon ng Tayabas noong 2016, na isang programa sa Filipino bilang pagtugon sa pangangailangan sa numeracy at literacy. Kung ang mga magulang ay mabibigyan ng kaalaman kung paano maituturo ang mga simpleng bagay tulad ng pagbabasa sa mga bata, ay may mabigat na impact ito sa pagkatuto ng mga mag-aaral,” ani Bables.
Nagkamit sa unang puwesto ang Tayabas East Central School para sa Madulang Pagkukwento, Sulat, Bigkas, at Tula ng Ilasan Elem. School, Paglikha ng Small Book ng Domoit Elem. School, Big Book ng Mate Elem. School at Luis Palad Integrated High School (LPIHS) ang unang puwesto sa Madulang Pagkukuwento, Basa Komiks, Dagliang Talumpati, Interpretatibong Pagbasa at Action Reseach gamit ang wikang Filipino.
No comments