Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Lipa LGU at mga kolehiyo, lumagda sa MOA para sa scholarship program

by Mamerta De Castro September 20, 2019 LUNGSOD NG LIPA, BATANGAS - Pormal na lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang pamahalaa...

by Mamerta De Castro
September 20, 2019

LUNGSOD NG LIPA, BATANGAS - Pormal na lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang pamahalaang lungsod ng Lipa at anim na unibersidad/kolehiyo sa lalawigan ng Batangas para sa scholarship program ng mga mag-aaral na Lipeno sa isang simpleng seremonya sa Office of the Mayor Conference Room sa lungsod na ito kamakailan.

Pinangunahan ni Mayor Eric B. Africa sa hanay ng pamahalaang lungsod ng Lipa at mga kinatawan mula sa mga sumusunod na paaralan kabilang ang Lyceum of the Philippines University-Batangas (LPU-B); Lyceum of the Philippines University-Laguna (LPU-L); STI College; Lipa City Colleges (LCC); Batangas Colleges of Arts and Sciences (BCAS); First Asia Institute of Technology and Humanities (FAITH) at Royal British College (RBC).

"Ipinasa na ng Sangguniang Panglunsod ang supplemental budget para sa scholarship program kung kaya’t kahit papaano ay matutugunan na ang pangangailangan ng ating mga kababayan," sabi ni Mayor Africa

Ayon pa sa kanya, bagama’t hindi lahat ng aplikante ay kayang pagbigyan dahil sa kinakaharap na kakulangan ng budget, malaki pa din ang maitutulong nito sa mga nangangailangan ng scholarship.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___





“Ang pagpili ng mga karapatdapat na benepisaryo ay ipinapaubaya na po namin sa lahat ng mga kolehiyo at unibersidad na aming katuwang. Bago nilagdaan ang MOA ay naglaan na po sila kung ilang scholars ang kukunin. Hindi po ito pare-pareho dahil magkakaiba po ang tuition fees, kaya’t ito po ay naka-align batay sa budget na naaprubahan," wika ni Africa.

Ang distribusyon ng bilang ng mga iskolar sa bawat eskuwelahan ay: 1,000 sa LCC; 50 sa BCAS; 200 sa FAITH; 50 sa LPU-Batangas; 20- LPU Laguna; 250 sa RBC at 100 sa STI.

Ayon pa kay Mayor Africa, inaasahan niya na sa susunod na mga panahon ay maiisaayos ang scholarship program at madaragdagan pa. Ang mga hindi mabibigyan ng full scholarship ay mapapabilang muna sa mga pagkakalooban ng financial assistance na P3K-P5K hanggang sa maisaayos na ang budget nito.

"Sa susunod na taon ay magpapalabas ng bagong criteria ang pamahalaang lungsod na siyang magiging batayan sa pagkuha ng scholars upang maiwasan ang “palakasan system”. Ilan sa batayan ay ang pagkakaroon ng general average na 80%-82% at walang bagsak na grado sa kahit anong subject," pagtatapos ni Mayor Africa. (BHABY P. DE CASTRO-PIA Batangas)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.