Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

MAHIGIT SA 300 MGA LUCENAHIN, NABIGYAN NG SALAMIN SA MATA NG PAMAMAHALAAN PANLUNGSOD

September 20, 2019 LUNGSOD NG LUCENA - Mahigit na 300 mga Lucenahin ang napagkalooban ng libreng salamin sa mata ng pamahalaan panlungso...

September 20, 2019

LUNGSOD NG LUCENA - Mahigit na 300 mga Lucenahin ang napagkalooban ng libreng salamin sa mata ng pamahalaan panlungsod kamakailan.

Ginanap ang naturang pamamahaging ito sa multi-purpose hall ng Lucena City Government Complex na kung saan ay personal itong ipinagkaloob ni Mark Alcala na siyang kumatawan sa Ama nito na si Mayor Roderick “Dondon” Alcala.

Nakasama ng Anak ng alkalde sa naturang aktibidad sina Dra. Jocelyn Chua, Executive Assistant III Rogelio “Kuya Totoy” Traqueña.

Sa naging takbo ng programa dito, nagbigay ng mensahe si Mark Alcala lahat aniya ng mga ibinibigay na benipisyo ni Mayor Alcala sa pamamagitan ng Bagong Lucena Health Program ang lahat mapapakinabangan ng bawat lucenahin.

Ayon pa sa Batang Alcala, ang salamin na ipinagkakaloob pamahalaan panlungsod sa ilalim ng administrasyon ng Bagong Lucena ay salamin ng pagmamahal rin ng buong pamilya Alcala.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Dahil simulat sapol aniya ay mahal ng mga Alcala ang mamamayan lucenahin.

Samatalang sa pamamagitan ng libreng salamain sa mata, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga Lucenahing hindi makapagpatingin ng kanilang mata sa espesyalista na masilip ito at alamin ang kanilang kalalagayan.

At matapos na makapagbigay ng pananalita ni Mark Alcala, pormal nang ipinagkaloob sa mga benipisyaryong nabanggit ang kanilang salamin sa mata.

Lubos naman ang naging pasasalamat ng mga tumanggap ng libreng salamin sa mata kay Mayor Dondon Alcala at ganoon rin sa anak nito dahilan sa nagkaroon sila ng pagkakataon na muling maging malinaw ang paningin at mas lalo pang Makita ang ganda ng lungsod ng Bagong Lucena.

Ang programang Oplan Mata ay nasa ilalim ng Bagong Lucena Health Program na naglalayong suriin ang mata ng mga magiging benipisyaryo nito upang mapagkalooban ng tamang sukat sa mata. (PIO-Lucena/J.Maceda)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.