Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mayor Ilagan, nakatutuok sa pagpapaunlad ng Mkahoy

by Lolitz L. Estrellado September 20, 2019 Mayor Janneth Ilagan MATAASNAKAHOY, Batangas - Simula nang maluklok bilang punong bayan ...

by Lolitz L. Estrellado
September 20, 2019

Mayor Janneth Ilagan



MATAASNAKAHOY, Batangas - Simula nang maluklok bilang punong bayan matapos ang kanyang termino bilang bise alkalde ng Mataasnakahoy, na agad na tinutukan ni Mayor Janneth Ilagan ang tuloy-tuloy na pagsasaayos at pagpapaunlad ng nasabing bayan, katuwang ang kanyang Vice Mayor na si Hon. Jay Manalo Ilagan na kasabay niyang nahalal noong nakaraang May 13 elections.

Ang tandem ng mga mag-asawang Ilagan, suportado ng sangguniang bayan, mga pinuno ng iba't ibang tanggpan ng lokal na pamahalaan, mga empleyado nito, mga lider at kapitan ng iba't ibang barangay at ng mismong mga mamamayan, ay siyang inaasahang magdadala sa Mataasnakahoy sa tunay na kaunlaran at matatag na ekonomiya ng bayan sa pamamagitan ng mahusay at matapat na paglilingkod.

Sa isang panayam noon sa mabait, masipag at magandang si Mayor Janneth, kanyang sinabi na ang mga prayoridad na programa ng kanyang administrasyon na nakapaloob sa kanyang executive agenda ay nakatuon sa pagpapalago ng ekonomiya, pagpapataas ng kalidad ng edukasyon, pagtulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng kanyang mga kababayan ng kanyang mga kababayan, pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan ng bayan, pangangalaga sa kalusugan ng mga mamamayan, wastong pamamahala sa basura at pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran ganoon din ang pagpapaunlad sa industriya ng turisto, negosyo at investments.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Binigyang-diin ni Mayor Janneth na pangunahin sa kanya ang kapakanan ng kanyang mga kababayan kaya naman ang mga pangunahing serbisyo ng kanyang administrasyon ay sinikap nilang madala sa mga barangay.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Vice Mayor Jay na bilang presiding officer ng sangguniang bayan, naka focused siya sa makabuluhang pagbabatas na susuporta sa mga programa at proyekto ni Mayor Janneth upang masigur na maipatupad ang mga ito nang maayos na maipatupad ang mga ito nang maayos para mapakibangan ng sambayanang Mataasnakahoy.

Ayon pa kay Vice Mayor Jay, silang dalawa ni Mayor Janneth ay sipag lang, dasal, focus at passion sa pagtulong sa kapuwa ang marahil ay siyang dahilan ng kanilang tagumpay kaya naman labis ang ipinaaabot nilang pasasalamat sa suporta at tiwala ng kanilang mga kababayan.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.