Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mga lupon ng tagapamayapa ng Navotas, Quezon City, bumisita

August 31, 2019 LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Sa pagnanais na personal na alamin ang mga ginagawa ng ipinagmamalaki ng lungsod ng Lucena pag...

August 31, 2019

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Sa pagnanais na personal na alamin ang mga ginagawa ng ipinagmamalaki ng lungsod ng Lucena pagdating sa pamamalakad ng Lupong Tagapamayapa sa barangay, ay nagtungo ang mga kinatawan ng Barangay Tanza 1, Navotas, Quezon City sa lungsod ng Lucena.

Pinangunahan ni Kagawad Leonora Acosta ang nasabing grupo na nagtungo dito upang magsagawa ng lakbay aral.

Unang nagtungo ang naturang mga kinatawan sa Lucena City Government Comlex na kung saan ay mainit silang tinanggap ng mga tauahn ng City Mayor’s Office sa pangunguna ni Atty. Euclides Forbes.

Ipinanood rin sa mga nabanggit na bisita ang ilang mga naging accomplishments ng lungsod sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala.

Labis naman na namangha ang mga ito sa ipinakitang presentasyon sa kanila lalo’t higit sa programang pabahay para sa ilang mga job order employees at miyembro ng JODA.

Gayundin ang programa sa basura na kung saan ay tinanong pa ng mga ito ang proseso sa pagsasagawa ng tinatawag na eco-bricks.

Mas lalo pang natuwa ang mga bisita ng lungsod nang sabihin ng tagapagsalita sa kanila ang mga programa at proyekto ni Mayor Dondon Alcala para sa mga nakatatandang sektor ng lipunan.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




At dahilan sa mga magagandang programa at pryekto ni Mayor Alcala na inilahad sa opisyales ng Brgy. Tanza 1, pabirong sinabi ng mga ito na gusto na nilang lumipat sa lungsod ng Bagong Lucna dahialn sa dami ng mga benipisyo at magagandang programa at proyekto para sa mga mamamayan dito.

At matapos ang pagpapakita ng presentasyon ng mga programa at proyekto sa lungsod, binati naman ang mga ito ni Vice Mayor Philip Castillo.

Aniya bagamat wala ang punong lungsod na si Mayor Roderick “Dondon” Alcala dahilan sa kasalukuyang dumadalo ito sa isang seminar sa bansang Thailand, ay tasu pusong pinasalamatan naman niya ang mga ito sa ginawang pagbisita sa Lucena.

Ayon naman kay Kagawad Leonora Acosta, pinili nila ang lungsod ng Lucena na pagsasagawaan ng kanilang lakbay-aral dahilan sa maayos na pagpapatupad ng Lupon ng Tagapamayapa ng isa sa mga barangay dito at ito ay ang Barangay Marketview.

Anila humanga sila sa mga naging accomplishment ng naturang barangay at ninanais nilang pag-aralan ang mga gawain ng mga ito para sa mas maayos na pagpapatupad ng kanilang lupon.

Isang malaking karangalan naman ayon kay Vice Mayor Castillo at Atty. Forbes ang pagpapahayag na ito ng nasabing bisita na mas pinili nila ang Lucena upang isagawa ang ganitong uri ng aktibidad.

At bago pa man umalis ang mga ito sa conference room ng Mayor’s Office ay pinagkalooban rin ang mga ito ng token bilang pasaslamat na rin sa ginawang pagbisita ng mga ito sa lungso ng Lucena.

Ang pagtungong ito ng mga kinatawan mula sa Brgy. Tanza 1, Navotas, Quezon City ay ang pang-apat na beses nang pagbisita ng mga nagmumula pa sa ibang bayan upang magsagawa ng lakbay-aral.

At ayon sa pahayag ng mga bumibisita dito, mas pinipili nila na magsagawa ng ganitong uri ng aktibidad dahilan sa magagandang programa para sa mga naninirahan dito at sa maayos na pamamalakad na rin ng mga namumuno dito sa pangunguna ni Mayor Dondon Alcala. (PIO LUcena/ R.Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.