August 31, 2019 Chairperson of the Senate Committee on Agriculture and Food, Cynthia Villar Isinagawa nitong ika-22 ng Agosto ang pag...
Chairperson of the Senate Committee on Agriculture and Food, Cynthia Villar |
Isinagawa nitong ika-22 ng Agosto ang pagbibigay-pugay sa higit 6,000 na mga magsasaka sa lalawigan o ang Araw ng Pamilyang Magsasaka sa temang “Negosyanteng Magsasaka, Sandigan ng Maunlad na Ekonomiya” na idinaos sa Quezon Convention Center, Lucena City.
Nakiisa dito sina Quezon Governor Danilo E. Suarez, Vice Governor Samuel B. Nantes, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, KALIPI Provincial Federation sa pangunguna ni Atty. Joanna Suarez at sa iba pang mga asosasyon, kinilala sa pagitipon ang mga magsasaka na ginawaran ng Gawad Saka award. Naroon rin bilang panauhing tagapagsalita si Chairperson of the Senate Committee on Agriculture and Food, Cynthia Villar.
Karagdagang trabaho at pagkakakitaan ang nais ihatid ng pamahalaang panlalawigan para sa ikauunlad ng mga magsasaka sa probinsya. Sa pangunguna ni Gob. Suarez, maglalabas ang pamahalaan ng worker’s scheme para sa 15,000 magsasaka na bibigyan ng karagdagang pagkakakitaan sa pamamagitan ng pagtatanim ng kape at cacao kasabay ng pagniniyog o intercropping.
Ipinaabot naman ni Sen. Villar ang kanyang suporta para sa pagdaraos ng Araw ng Pamilyang Magsasaka sa probinsya alinsunod sa pagdiriwang ng Niyogyugan Festival 2019. Aniya, nararapat lamang isagawa ang isang espesyal na araw para lamang sa kanila.
Ayon sa datos, ang Lalawigan ng Quezon ang nananatiling top agricultural producing province of rice farm products na nasa 42%, 75% para sa corn production, 26% fruit production, 62% vegetable production at 86% coconut production para sa Region IV-A.
Naniniwala ang senador na malaki ang ginagampanang papel ng mga pamilyang magsasaka para sa kaunlaran ng agrikultura hindi lamang sa probinsya ngunit sa buong bansa na suportado rin ng The United Nations Food and Agricultural Organization.
“Kaya todo ang suporta sa ating mga small farms. As the current chairperson of the Senate Committee on Agriculture and Food that is what I always say. Ang ultimate goal ko ay ma-improve ang kondisyon at masolusyonan ang mga problema at challenges ng ating magsasaka at mangingisda. Congratulations to the Province of Quezon for giving importance to the farming families.” saad ng senador.
Upang tuluyang maiabot ang tulong para sa mga magsasaka sa bansa, nais ng senador na hindi lamang sa pagtaas ng produksyon natitigil ang kaunlaran para sa mga magsasaka. Aniya, ang patuloy na pagbibigay ng karagdagang kaalaman at edukasyon para sa kanila ang isa sa maaaring maging tugon para sa kanilang mas mabilis na kaunlaran.
“Increasing food production and farm productivity alone cannot move farmers permanently out of poverty. Dapat matuto rin sila ng capacity building strategies para patakbuhin o i-operate nila ang kanilang farms as agri-businesses. Tuloy-tuloy lang po ang pagtutulungan natin para sa agricultural sector sa ating bansa at sa pagsiguro na ang mga pamilyang magsasaka ay patuloy na magiging sentro at prayoridad ng ating mga gobyerno para sa ganon ay magawa natin silang magaling, competitive at profitable.” ani Villar.
Isinagawa rin sa parehong araw ang panunumpa sa katungkulan ng mga bagong halal na opisyal ng Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI) Provincial Federation sa pamumuno ni Atty. Joanna Suarez.
Kabilang sa mga pinarangalan na mga natatanging magsasaka at mangingisda ay sina Alvin Ray Rivera bilang Outstanding Rice Farmer, Gevanie Magpantay bilang Outstanding Corn Farmer, Nenieveh Glinoga bilang Outstanding Coconut Farmer, Richard Sucuano bilang Outstanding Fisherfolk (Fish Capture), Benjamie Bajo bilang Outstanding Fisherfolk (Fish Culture), Florencio Sera and Family bilang Outstanding Farm Family, PAFC Quezon bilang Oustanding PAFC, Teodoro Panaligan bilang Oustanding Large Animal Raiser, Florencio Flores bilang Outstanding High Value Crops Farmer, Tumbaga 1 Irrigation Association bilang Outstanding Small Farmers Organization, MAMAHALIN 2 RIC bilang Outstanding Rural Improvement Club, Nelson Padin bilang Outstanding Young Farmer, Alicia Valdoria bilang Outstanding Organic Farmer at Tayabas City bilang Outstanding CAFC.
Para sa mga regional achievers, pinarangalan naman ang IBOFA mula sa Tayabas City bilang Outstanding Organic Group, Amelia Ramos bilang Outstanding Rice Local Farmer Technician, Ronelio Rusita bilang Outstanding Rice AEW, Nella Oribe bilang Outstanding Organic AEW at Amado De Luna bilang Outstanding Organic Small Farmer.
Kinilala naman bilang national awardees sina Loreto Basit bilang Large Animal Raiser at Redempta Querubin bilang Outstanding PAFC Coordinator. (Quezon – PIO)
No comments