Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mga paaralan sa Batangas, tampok sa Spoken Poetry competition

by Mamerta De Castro  September 14, 2019 LUNGSOD NG BATANGAS - May 15 na pampubliko at pribadong paaralan ang nakilahok sa paligsahan sa S...

by Mamerta De Castro 
September 14, 2019

LUNGSOD NG BATANGAS - May 15 na pampubliko at pribadong paaralan ang nakilahok sa paligsahan sa Spoken Poetry o pasalitang tula sa SM City Batangas Events Center kamakailan.

Ang nasabing paligsahan ay may temang “Kapayapaan sa Mata ng Kabataan” at magkakatuwang na itinaguyod ng Junior Chamber International (JCI) Batangas Caballero, Provincial Tourism and Cultural Affairs Office, SM City Batangas at tanggapan ni 5th District Board Member Claudette Ambida.

Sinabi ni Board Member Ambida, na ito ang ikalawang taon na isinagawa ang naturang paligsahan at akma ito sapagkat sa taong 2019 ay itinuturing na “Taon ng mga Kabataan”.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




“Dahilan po sa makabagong panahon, nais nating patuloy na buhayin ang panunula ngunit alam natin na walang interes ang mga kabataan kung ito ay isasagawa batay sa tradisyunal na paraan. Kaya’t itong pagsasagawa ng spoken poetry ay mainam upang maipaabot at maipaunawa sa mga kabataan ang panunula sa modernong pamamaraan. Sa gayon hindi mawawala sa kanila ang ganitong kaugalian bagama’t may kaibahan na sa dating nakagisnan,” ani Ambida.

Ang pamantayan na ginamit upang pumili ng mahusay na mag-aaral ay kinabibilangan ng mga sumusunod: 40% para sa mensahe ng tula; 30% paraan ng pagtatanghal; 10% galing ng memorya at 20% linaw ng boses.

Hinirang na nagwagi ang mga sumusunod: Clariis Perillo ng Golden gate Colleges para sa unang puwesto; James Andrei Villajuan ng Alangilan Senior High School -ikalawang puwesto; Mira Matthew Aclan ng Saint Bridget's College sa ikatlong puwesto at ang ikaapat na puwesto ay nakuha ni Nicole Ann Catral ng Conde Labac Integrated School.

Nagsilbing panauhin at tumayong isa din sa mga hurado si Antonio Bathan, isang Batangueno na nakilalang may angking husay sa spoken poetry at naging kalahok sa Pilipinas Got Talent. (BHABY P. DE CASTRO-PIA BATANGAS)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.