by Mamerta De Castro September 14, 2019 LUNGSOD NG BATANGAS, Set. 10 (PIA)- Pormal na lumagda sa Memorandum of Understanding ang Pamahalaa...
September 14, 2019
LUNGSOD NG BATANGAS, Set. 10 (PIA)- Pormal na lumagda sa Memorandum of Understanding ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at Madang, Papua New Guinea sa Provincial Capitol Compound sa lungsod na ito noong Agosto 22, 2019.
Nilagdaan ang naturang MoU nina Batangas Governor Hermilando Mandanas at Madang Governor Peter Charles Yama.
Layon nitong pagtibayin ang relasyon at kooperasyon ng dalawang lalawigan sa larangan ng edukasyon, kalakalan, turismo, kultura at people-to-people exchange of diplomacy.
___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___
Bukod pa dito, nakasaad din sa kasunduan ang paglalaan ng suporta at tulong sa mga organisasyon at kumpanya ng dalawang lugar upang makabuo ng mga ugnayang pang-ekonomiya at pagtutulungan sa mga usaping panlipunan.
Ang Madang Province ay matatagpuan sa hilagang baybayin ng Papua New Guinea at isa sa mga pangunahing pinagmumulan ng cocoa at baka sa nasabing bansa.
Sinaksihan ni Provincial Tourism and Cultural Affairs Officer Atty. Sylvia Marasigan at mga opisyal ng dalawang pamahalaang panlalawigan ang nasabing okasyon. (BHABY P. DE CASTRO-PIA BATANGAS with reports from PIO PROVINCE)

No comments