September 7, 2019 LUNGSOD NG LUCENA, QUEZON - ISANG BUWAN MATAPOS NA MULING PASIMULAN NG CITY COMMISSION ON ELECTION ANG PAGREREHISTRO NG ...
LUNGSOD NG LUCENA, QUEZON - ISANG BUWAN MATAPOS NA MULING PASIMULAN NG CITY COMMISSION ON ELECTION ANG PAGREREHISTRO NG MGA BOTANTE, NASA 4000 LUCENAHIN NA ANG NABIGYANG SERBISYO NG AHENSYA.
NANANATILI ANG BRGY. GULANG-GULANG, IBABANG DUPAY, AT IBABANG IYAM SA MGA LUGAR NA MAY PINAKAMARAMING BOTANTE SA LUNGSOD.
AYON KAY CITY COMELEC OFFICER ATTY. ANNA MAE BARBACENA, UMAABOT NA SA MAHIGIT 142,000 NA REGISTERED VOTER ANG KANILANG NAITALA PARA SA MAY 11, 2020 BARANGAY AT SANGGUNIANG KABATAANG ELECTIONS.
IKINATUWA RIN NG CITY COMELEC ANG MATAGUMPAY NA SATTELITE VOTER REGISTRATION NA KANILANG ISINAGAWA SA QUEZON PROVINCIAL POLICE OFFICE AT PACIFIC MALL LUCENA KUNG SAAN DAAN-DAANG MGA UNIFORMED PERSONNEL, SENIOR CITIZEN, PWD, AT KABABAIHAN ANG NAKAPAG PAREHISTRO.
KAUGNAY NITO, MULING HINIHIKAYAT NI BARBACENA ANG MGA FIRST TIME VOTERS NA MAGPAREHISTRO NANG MAAGA UPANG MAKALAHOK SA NASABING HALALAN.
MAAARING MAGPAREHISTRO ANG SINUMANG PILIPINO. KINAKAILANGAN LAMANG NA ITO AY NAKATIRA SA PILIPINAS NANG HINDI BABABA SA 1 TAON AT NANINIRAHAN NANG HINDI BABABA SA 6 NA BUWAN SA BAYAN KUNG SAAN NAIS NITONG MAGPAPAREHISTRO.
ANG MGA REHISTRADONG SANGGUNIANG KABATAAN NAMAN NA NASA EDAD 18 TAONG GULANG AY HINDI NA KAILANGAN PANG MAGPAREHISTRONG MULI. AWTOMATIKONG ILILIPAT ANG KANILANG MGA PANGALAN MULA SA SK LIST OF VOTERS PAPUNTA SA LISTAHAN NG MGA REGULAR NA BOTANTE.
KASAMA RIN SA AASIKASUHIN NG POLL BODY ANG PAGREREACTIVATE , PAGLILIPAT NG PANGALAN, AT PAG-AUPDATE NG STATUS NG MGA BOTANTE.
BIRTH CERTIFICATE , VALID ID AT PHOTOCOPY NG ID ANG KAILANGAN DALHIN NG MGA NAIS NA MAGPAPEHISTRO NA EDAD 15 TAO NG GULANG HANGGANG 18 TAONG GULANG BAGO MAG MAYO 11, 2020.
PARA NAMAN SA MGA 19 NA TAONG GULANG PATAAS BAGO MAG ELEKSYON, ISANG VALID ID LAMANG AT PHOTOCOPY NITO ANG KAILANGAN.
BIRTH CERTIFICATE, ISANG VALID ID, AT PHOTOCOPY NITO NAMAN ANG KAILANGANG DALHIN NG MGA NAIS NA MAGPABAGO NG DATOS SA KANILANG REGISTRATION RECORD GAYA NG PANGALAN, KAARAWAN, AT LUGAR NG KAPANGAKAN.
PARA NAMAN UMANO SA MGA NAGNANAIS NA IPATAMA ANG KANILANG KATAYUAN O STATUS MULA SINGLE TO MARRIED O MARRIED TO SINGLE , BUKOD SA VALID ID, MARAPAT LAMANG NA MAGDALA NG MGA KATIBAYAN GAYA NG MARRIAGE CERTIFICATE O DI KAYA’Y JUDICIAL DECREE OF LEGAL SEPARATION.
BINIGYANG DIIN NITO NA KAILANGANG DALA NA ANG MGA NASABING KATIBAYAN SA ORAS NA PUMUNTA SA KANILANG TANGAAPAN SAPAGKAT HINDI NILA KAAGAD NA MABABAGO ANG KANILANG RECORD KUNG WALA ITO.
PINAALALAHANAN RIN NI BARBACENA ANG PUBLIKO NA ANG APLIKASYON AY KINAKAILANGANG PERSONAL NA IHAIN SA NASABING TANGGAPAN MULA ALAS-8 NG UMAGA HANGGANG ALAS-5 NG HAPON MULA LUNES HANGGANG SABADO KABILANG NA ANG HOLIDAYS.
KABILANG SA MGA DOKUMENTO NA MAARING GAWING IDENTIFICATION CARD AY ANG COMPANY ID, POSTAL ID, PWD DISCOUNT ID, STUDENT’S ID, SENIOR CITIZEN’S ID, DRIVER’S LICENSE, NBI CLEARANCE, PASSPORT, SSS/GSIS ID, IBP ID, AT PRC ID.
PAALALA NA HINDI TINATANGGAP ANG COMMUNITY TAX CERTIFICATES (CEDULA) BILANG DOKUMENTO NG PAGKAKAKILANLAN.
PARA NAMAN SA MGA MYEMBRO NG INDIGENOUS PEOPLE , MAAARI DING IPAKITA ANG CERTIFICATE OF CONFIRMATION MULA SA NATIONAL COMMISSION ON INDIGENOUS PEOPLES. (PIO LUCENA/C.ZAPANTA)
No comments