Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pagiging commercial area ng Diversion Road, malaki ang maitutulong sa mga Lucenahin ayon kay Konsehal Christian Ona

August 31, 2019 Dahilan sa patuloy na pag-unlad ng Bagong Lucena, binabalak ngayon ng pamahalaang panlungsod nag awing commercial area ang...

August 31, 2019

Dahilan sa patuloy na pag-unlad ng Bagong Lucena, binabalak ngayon ng pamahalaang panlungsod nag awing commercial area ang kahabaan ng Diversion Road sa lungsod.

At sakaling maging commercial area na ito, tiyak na maraming mga negosyante ang maglalagak ng kanilang negosyo dito na magiging malaking tulong naman para sa mga Lucenahin.

Sa eksklusibong panayam ng TV12 kay Councilor Jose Christian Ona, sinabi nito na sakaling maisakatuparan ang binabalak na ito ng city government ay tiyak na maraming mga kababayan natin ang makikinabang dito.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___

Aniya, sa pagdating ngmga negosyong itatayo dito ay tiyak na madaragdagan ang kita ng lungsod na magiging pondo naman para sa iba’t-ibang uri ng gma program at proyekto na ipagkakaloob sa mga mamamayanng Lucena.

Bukod pa rin aniya dito ang pagdudulot nito ng mga trabaho para sa mga Lucenahin na kung saan aniya ay naniniwala siya na ang mga mamamayan ng lungsod ay kwalipikado para sa mga negosyong itatayo dito.

Dagdag pa ng konsehal, dahilan na rin sa isinagawa nilang committee hearing noon na kung saan ay kinakailangan na ang mga negosyo sa lungsod ay mayroong 80% ng mga trabahador na Lucenahin, mas magkakaroon ng pagkakataon na makapagtrabaho ang mga mamamayang Lucenahin sa mga itatayong negosyo dito.

At ito rin aniya ang isa sa mga ninanais niya para sa mga kababayang Lucenahin katulad rin ng pagnanais ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala na ang mga mamamayan ng lungsod ay hindi na lumayo pa sa kanilang mga pamilya at bagkus ay dito na lamang magtrabaho.

Naniniwala rin si Konsehal Christian Ona na kapag naisakatuparan na ito ay mas makikilala ang lungsod ng Lucena bilang isa sa mga may maayos at maraming negosyo sa buong Quezon.

Kung kaya naman lubos na sinusuportahan ni Councilor Engr. Jose Christian Ona ang panukalang ito ni Mayor Dondon Alcala na pagiging commercial area ng kahabaan ng Diversion Road ng lungsod para sa mas maunlad na Bagong Lucena at para sa mas ikau-unlad rin ng mga Lucenahin. (PIO LUcena/ R.Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.