by Mamerta De Castro September 20, 2019 LUNGSOD NG BATANGAS - Isinusulong ng pamahalaang panlalawigan ang pagpapaigting ng anti-Tubercul...
September 20, 2019
LUNGSOD NG BATANGAS - Isinusulong ng pamahalaang panlalawigan ang pagpapaigting ng anti-Tuberculosis program sa pamamagitan ng TB early detection initiatives ng mga medical professional o TB warriors.
Sa mensahe ni Governor Hermilando Mandanas, sinabi nito na bagama’t madali na itong gamutin marami pa ring pamamaraan upang ito ay maiwasan.
“Ang TB ay isang personal na concern ko dahil may ilang miyembro ng aking pamilya ang nagkaroon ng ganitong sakit noong kanilang kabataan. Kaugnay nito, inatasan na natin ang pamunuan ng PHO napag-ibayuhin ang paghahanap ng mga may sakit upang mabigyan sila ng wasto at mabisang pangangalaga at maging ang gamot,” ani Mandanas.
Aniya pa, dahil sa implementasyon ng Universal Health Care Plan sa lalawigan, maraming mga pagamutan at health facilities ang makapagbibigay ng ekspertong pangangalaga at libreng serbisyo sa iba’t-ibang karamdaman kaya’t marami na ang nagnanais magpagamot.
___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___
Sinabi naman ni Dr. Rozvilinda Ozaeta, pinuno ng Provincial Health Office (PHO), na ang pagdiriwang ng Lung Month ay pagkakataon upang bigyang-pansin hindi lamang ang sakit na TB kundi upang mawakasan na ito at iba pang sakit sa baga at buong respiratory system.
Aniya, buo ang dedikasyon ng pamunuan ng PHO kaakibat ang pamahalaang panlalawigan na labanan ang sakit at mawala ito sa talaan ng isa sa 10 sakit na pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino.
Ang TB ay isang seryosong kundisyon na naglagay sa bansa sa ika-apat na puwesto sa listahan ng World Health organization ng mga bansang may mataas na kaso ng TB.
Ipinagdiwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang Lung Month sa Provincial Auditorium sa lungsod na ito noong ika-23 ng Agosto. May temang “End TB Now Na!", ito ay nakasentro sa pagpapaigting ng anti-Tuberculosis program ng pamahalaang panlalawigan. (BHABY P. DE CASTRO-PIA BATANGAS with reports from PIO BATANGAS PROVINCE)

No comments