September 20, 2019 LUNGSOD NG LUCENA - Malaki ang matitipid na kunsumo ng kuryente sa proyektong LED Street Lights dahilan sa halos pitu...
LUNGSOD NG LUCENA - Malaki ang matitipid na kunsumo ng kuryente sa proyektong LED Street Lights dahilan sa halos pitumpong porsyento ang natitipid na maaring gamitin sa iba pang proyekto at gastusin ng pamahalaan.
Ito ang ilang sa mga nabanggit ni Konsehal Wilbert Mckinly Noche sa pribiliheyong talumpati nito sa isinagawang regular na sesyon ng sangguniang panlungsod kamakailan.
Sinabi nito na matipid ang naturang Light-Emitting Diode o LED at mas maliwanag ito kaysa Metal Halide lamp at high pressure sodium bulb.
Kaya naman iminungkahi ni Konsehal Noche, na nakapaloob rin sa kaniyang pribiliheyong pananalita na kung maaaring palitan ng LED Lights ang ilang kalye dito sa lungsod ng lucena at maging ang flat street lights ng Meralco.
Sa panayam naman ng TV12 dito, ay sinabi nito na may nabasa siya sa isang pahayagan na kung saan ay nagpilot ang Ormoc City na proyektong LED street lights sa kanila lugar noong isang taon.
Ayon pa dito, sa kaniyang panukala na kung magretrofit ang lahat ng ilaw sa kalye na kahit aniya ay simulan muna sa kabayanan.
Dagdag nito na malaki ang maitutulong ng pagpapalit nito sa ating peace and order lalo na sa seguridad sa ating lungsod.
Lalo na isa sa makikinabang dito ay ang mga establisyemento na mayroon CCTV Camera.
Sapagkat aniya kung mayroon na nangyaring crimen at nahagip ng kanilang cctv kapag nareview kita umano ang pangyayari pero hindi makilala ang mga salarin dahilan sa medyo malabo ang ilaw.
Binanggit ni Councilor Noche, sa pag-aaral napakalaki ng energy efficient ng LED.
Malaki pagkakaiba ng mga naka-install na ilaw sa bayan na ang ginagamit dito ay high pressure sodium bulb at metal halide lamp.
Samantalang ang kaniyang panukalang ito ay nabanggit na rin niya kay Mayor Dondon Alcala noong nakaraan ELA sa kanilang pag-uusapa ayna mayroon na umanong kaparehong proyektong ganito. (PIO-Lucena/J.Maceda)
No comments