by Ace Fernandez @STW news bureau September 7, 2019 (Kanan-Kaliwa)PPLB-LNB Quezon Chapter President at Ex-officio Board Member Hon. Iren...
by Ace Fernandez @STW news bureau
September 7, 2019
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Nagpulong ang mga opisyal at meyembro ng PPLB-LNB Quezon chapter. Pinangunahan ni PPLB at Ex-Officio Board Member Hon. Ireneo C. Boongaling ang nasabing meeting na ang pangunahing agenda ay ang gagawing convention ng liga sa darating na Oktobre 2019.
Napagkaisahan ng mga opisyal at mga meyembro ng nasabing grupo na sa Boracay gagawin ang convention upang talakayin ang mga mahahalagang agenda.
Nabatid ng Sentinel Times na ilan sa mahalagang agenda sa PPLB plennary ay ang mga progama ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at pangunahin dito ay ang patuloy na paglaban sa ilegal na droga sa hanay ng mga barangay officials.
Sa naunang panayam ng ST kay BM Boongaling ay sinabi nya dapat ay hindi lamang binuo ang BADAC o ang Barangay Anti Drug Abuse Council kundi dapat umano itong aktibo at totoong isinusulong ang kampanya laban sa illegal na droga.
Ipinaabot din ni Boongaling sa lahat ng mga Barangay Chairmen sa lalawigan na kapag hindi sumunod ang mga ito sa mga itinatadhana ng mga kautusan ng Departmentof Interiorior and Local Government ay maaari silang suspendihin at kasuhan ng administratibo sa Ombudsman.
Aniya, ang paglaban sa corruption ng pangulo ay nararapat lamang sundin ng lahat ng mga government at elected officials hanggang sa barangay dahil sa ganitong paraan aniya maibabalik ang tiwala ng mga mamamayan sa pamahalaan.
Dapat din umanong nagbibigay ng isang magandang halimbawa ang mga nasa gobyerno upang maging inspirasyon sila ng mga mamamayan.
Samantala,nauna na ng naisagawa ang mga proyektong inihanda ni BM Boongaling tulad ng pagbibigay ng solar energy sa ilang barangay ng Patnanungan Quezon,ang pagdaragdag sa sa bilang ng kanyang mga schoolars na personal nyang sinusuportahan sapagkat naniniwala di umano itong si Boongaling na ang edukasyon ay isang paraan upang malagot ang tanikala ng kahirapan at patibayin ang pundasyon ng mga pangarap ng mga mahihirap na estudyante at maging prodaktibong mga mamamayan sa lipunan.Ilan lamang ito sa magagandang adbokasiya ni BM Ireneo Boongaling na patuloy na ipinakikita ang lideratong may commitment at katapatan. With repoorts: Ace Fernandez @STW news bureau
No comments