by Jay Silva Lim August 31, 2019 Pawikang olive ridley ang narescue ng local na pamahalaan ng Sariaya sa Sitio Aplaya, Brgy. Bignay 1, Sa...
by Jay Silva Lim August 31, 2019 |
Pawikang olive ridley ang narescue ng local na pamahalaan ng Sariaya sa Sitio Aplaya, Brgy. Bignay 1, Sariaya, Quezon kamakailan lamang. |
SARIAYA, Quezon - Isang pawikang olive ridley ang narescue ng local na pamahalaan ng Sariaya sa Sitio Aplaya, Brgy. Bignay 1, Sariaya, Quezon kamakailan lamang. Ang nasabing pawikan na pinangalanang paw-paw ay inalagaan ng humigit kumulang limang taon ni Bayani Santok 55 taong gulang residente ng nasabing barangay.
Batay sa aming panayam kay Ethel Atienza-Rudas, noong ika-16 ng Agosto matapos nilang mareport ito sa DENR ay agad naman nila itong dinukumento t nilagyan ng stainless o metal-inconel tag na may numerong PH 1571 na makikita sa unang kanang flipper nito. Matapos madokumento pinakawalan ito noong ika-17 ng Agosto ganap na ika-6 ng umaga sa pangunguna ng DENR at ni Punong Bayan Marcelo Gayeta.
Subalit pagkalipas ang 36 oras ay natagpuan na ito ng mga residente sa dalampasigan sa Brgy.Barra sa lungsod ng Lucena at kanila namang dinala sa Maritime at nireport naman kaagad ng Maritime sa DENR at sa City Agriculture office ng Lucena at kanilang ibinalik sa Sariaya. Dagdag pa ni Ruedas.
Ayon naman sa kay Irene Arquilita ng DENR sadyang di pa maalam lumangoy ang pawikang si Paw-paw dahil sa ito ay lumaki lamang ay sa palanggana at doon na rin pinakakain ng nakahuli at nag-alaga nito na si Bayani Santok pero bagama’t si Paw-paw ay lumaki sa palangana ito ay malusog naman ang kalagayan, maliban sa mapusyaw na kulay nito dahilan sa kakulangan sa tamang liwanag ng araw. Kaya naman kinakailangan itong marehab muna bago tuluyang mapakawalang muli. Kinakailangan muna itong ilagay sa mismong dagat na maaring regular na nabibisita at napapangalagaan at kapag nakilala o nasanay na sya sa paglangoy at panghuhuli ng sarili nyang pagkain sa dagat, saka pa lamang ito pwedeng mapakawalan.
Batay naman sa kay Nilo Ramoso Jr. ng DENR – Biodiversity Management Bureau kasalukuyang Marine Turtle Conservation Officer. Isang dalubhasa sa pangangalaga ng pawikan sa DENR. Sa kanilang karanasan noong 2013 isang pawikan din ang kanilang na rescue na inaalagaan ng bayan ng Antipolo. Katulad din ni paw-paw bagamat normal at malusog dahil napapakain naman ng tama, kapansin-pansin lang ang kulay nito ay mapusyam dahil sa kakulangan sa liwanag ng araw at di maalam lumangoy. Matapos na madokumento at malagyan ng tag pinakawalan na rin naming ito at tulad din ni paw-paw tumatabi sa dalampasigan at nahuhuli ng tao at ilang beses na ibinabalik sa DENR. Natural iyon sa pawikang inalagaan na dahil nasanay silang tumatangap lang nag pagkain sa nagaalaga sa kanila sa halip na mag hunt pag nagugutom sila…kaya naman tatabi sila sa dalampasigan at hihingi ng pagkain sa tao. Pero matapos ang proseso ng pagrehab sa kanya natuto rin lumangoy at mag hunt ng sariling pagkain, dahil mabilis sila maka-adopt. Pagkatapos ng 10 taon natagpuan ang pawikan sa Okinawa, Japn at dahil may tag, nalaman ito na nagmula sa Pilipinas at nereport sa atin ng pamahalaan ng Japan. Ang huling Nakita ito ay sa Homisan, Japan isang fishing community na kung saan ay nakita nilang napasabit sa lambat ang pawikan at kanila ring pinakawalan.
Kinunan din naming ang panig ang mangingisda at Bantay-Dagat ng Sariaya na si Sherwin Rosales at ayon nga sa kanya ang pagtataglay, panghuhuli, pagkatay, pagbibenta at pagluluwas ng pawikan at iba pang katulad nitong lamang dagat na nanganganib na ay ipanagbabawal sa section 102 ng Republic Act 10654…mahigpit na ipangbabawal ang pangingisda at pagkuha ng ng mga rare, threatened o endangered species na nakatala sa Appendix I ng Convention on the International Trade in Endangered Species of Wild Flora and Fauna (CITES), o na-categorized ng International Union for Conservation of Nature and Natural Resources (IUCN). Ang anumang pagkuha, pagtataglay, panghuhuli, pagbibenta, pagluluwas, at paglalabas nito sa bansa. Ito ay may kaparusahang mahigit na 12 taon hanggang 20 taong pagkakakulong at may multang limang daang libong piso o limang milyon.
Kaya naman ipinaalala nya na sa mga kapwa mangingisda at mamayan sa bayabaying dagat ng Sariaya na huwag ng subukan na muling mag-alag pa ng pawikan at o manguhan nito dahil maaari po kayong hulihin at panagutin sa batas dahil dito. Dagdag pa ni Rosales.
Batay naman sa pahayag ni Santok noong aming makapanayam ay sadyang isinurender na nya ito sa lokal na pamahalaan dahil alam nyang bawal ang pagaalaga nito. At Sinabihan sila mismo ni Myor Gayeta na bawal nga at hindi na dapat uliting mag alaga pa sila ng pawikan dahil pwede silang managot sa batas.
Ayon naman kay Maribeth Gayeta SWM Officer ng Sariaya. Full support po ang lokal na pamahalaan na maproteksyunan ang mga pawikan at iba pang buhay ilang sa dagat. Sa katunayan nga kaya aktibo rin ang pamahalaang malutas ang suliranin sa basura ay isa rin ito sa nakakaapekto sa mga pawikan lalo na ang plastic na basura na kapag napapunta sa dagat ay nakakain ng pawikan at nakakamatay sa kanila.
Nanawagan naman si Punong Bayan Marcelo Gayeta na ang panahon ng Septyembre hanggang Marso ay panahon ng pangingitlog at pagkapisa ng mga pawikan sa mga dalampasigan ng Sariaya kaya naman mas nararapat na huwag distrubuhin at kunin ang mga itlog o ang mismong mga pawikan at mga hatchlings nito… dahil bawal na bawal po ito sa batas, mas magandang hayaan natin silang makapangitlog at makapisa at wag nating gambalain. Kung sakaling may mga Nakita kayo ay agad pong ipaabot sa aming tanggapan at maging sa DENR para ating malagyan ng tag at mapakawalan sa dagat na kanyang tunay na tahanan. Iyon naman pong mga mangingisda na aksidenteng nakakahuli sa lamabat ng pawikan ay inyo pong tangalin kaagad sa lambat at pakawalan na kaagad sa dagat, pero kung may sugat naman po ang pawikan mas mainam pong dalhin ito sa pampang at ipaabot kaagad sa kaalaman ng kinauukulan upang malunasan bago muling pakawalan sa dagat.
Sa kasalukuyan ang nasabing pawikang si Paw-paw ay nasa pangangalaga ni Ethel Atienza – Rudas, Coastal Resources Management Officer ng Saraiaya, sa Brgy. Castanas, Sariaya, Quezon.
No comments